Ika-pitong Kabanata

21 1 0
                                    

Nabalik ako sa aking ulirat nang bigla kong nakita si Irish.

Nakaramdam ako ng hiya bigla dahil sa biglaang paghagulgol ko. Hindi ko na kasi kinaya ang bigat ng lahat.

Nakita ko sa mga mata ni Irish ang magkahalo halong emosyon.
Naaawa siya, na nalilito, na para bang malapit na rin siyang maiyak.

Hindi na ako humingi ng sorry kay Almira. Walang katumbas na mga salita ang kung anuman ang nararamdaman ko ngayon at mga nangyari sa akin sa araw na ito.

Naisip ko na siguro, habambuhay na lang talaga na nakadikit sa akin ang salitang Kamalasan.

Naglalakad na ako pauwi ng dumaan muna ako sa isang park para makapagpahinga at makapag isip.

Sa park kung saan medyo nagkalapit kami ni Almira.

Umupo ako sa isang bench doon at ipinikit ko ang aking mata.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang hindi kilalang numero ang tumatawag.

Sinagot ko naman.

"Hello." Sabi ko.

Hindi sumasagot ang kabilang linya.

"Sino 'to?"

"Nasaan ka Lucas?" Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang boses.

Alam ko na kung sino. Sa boses pa lamang.

"Ahh. Dito sa Amity Park. Ayos ka lang ba Irish?"

"Hintayin mo ako dyan."

Bigla na niyang binaba ang tawag.

Pagkadating ni Irish ay agad nito akong niyakap..

Nagulat ako.

Pero nakaramdam ako ng ginhawa kahit papaano.

Niyapos ko ang kanyang buhok.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya niyang inangat ang tingin niya sa akin.

"Shouldn't I ask you that question?"

"Ha? Ba't ako? E ikaw itong yumakap." Alam ko naman na yung sinasabi niya. Ngunit ayoko lang aminin. Ayokong may madamay pa na iba.

"Next time, if you feel bad. Find me. Talk to me." Seryosong sabi niya.

"I will." Wala sa sarili kong sagot.

"Suspended ka raw sabi ni Shawn?"

"Oo."

"Anong plano mo?"

"Sasama muna ako sa paglaot ni lolo sa dagat. Wala rin naman akong mahanap na trabaho."

"Okay. Just be safe. Where's your phone?"

Binigay ko naman iyon sa kanya.

Nakita ko siyang pumindot pindot doon.

"That's my number. Text me when you want someone to talk to." Ngiti niya sa akin.

Tumango na lamang ako sa kanya.

Nang hapon na ay nagpasya na kaming umuwi.

Walang imikan.

Pero hindi awkward yung sitwasyon namin..

Parang magkaibigan na kami.

Kahit ganito lang. Naglalakad.

Inihatid ko siya sa sakayan ng jeep.

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Ngitian ko lang siya at ginulo ang buhok niya.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon