Ika-anim na Kabanata

15 2 1
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay binuklat ko agad ang binigay ni Shawn na phone.

Binasa ko ng maigi ang directory ng cellphone kaya sa palagay ko ay hindi na rin ako masyadong mahihirapan kahit na marami pa akong hindi maintindihan dito.

"Ah apo. Ano iyang hawak mo?" Tanong sa akin ni lolo.

"Cellphone po lo. Bigay po sa akin ni Shawn."

"Ah ganoon ba? Nagpasalamat ka ba sa kanya?"

"Opo." Sabi ko sa kanya.

Kinabukasan sa school ay agad akong sinalubong ni Shawn na siya namang ikinagulat ko.
---

Shawn's POV

Inagahan ko talaga ang pagpasok para makausap si Lucas.

Sana ay pumasok na siya.

Habang naglalakad ako sa corridor ay may naring akong mga estudyante na naguusap usap.

"Omg! Alam nyo ba yung nangyari between Lucas and George?"

Bigla akong natigil sa paglalakad at nagtago sa gilid ng pintuan.

"Yes. Lucas is in a big big trouble. Ewan ko ba sa mahirap na iyon. Hindi nag iisip."

"God. He wounded George's face."

"Matalino nga raw hindi naman pala nag iisip. Stupid" sabi nung babae.

Hindi ko na napigilan sarili ko kaya pumasok ako sa loob ng room.

Mabuti nalang at sila sila palang.

Bakas sa mukha nila ang pagkakagulat.

"I don't want to interfere with your discussion about my bestfriend. I want you to know that it's none of your business what ever it is that happened to him." Malamig na sabi ko sa kanila. "And you." Tinuro ko yung babaeng nagsabing hindi nag iisip ang kaibigan ko. "Don't ever judge a person's action. You don't know his reasons and what he's been going through."

Linapit ko ang mukha ko sa kanya. "You're beautiful, but you're attitude ruined it. Stupid."

Naiwan na nakabukas ang bibig niya sa ere.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkatakot.

"At ikaw pare." Baling ko sa nag iisang lalaki na kasama nila. "Hindi ko alam na mahilig makichismis ang mga lalake." Nginisian ko siya.

"Gago ka!" Sigaw niya sa akin.

"Look who's talking." Sarkastikong sabi ko sa kanya at saka lumabas ng room nila.

Bababa muna sa ako to clear my mind nang makita ko si Lucas na papasok na sa building.

Hindi na ako bumaba at napagpasyahan na manatili na lamang sa second floor.

"Lucas!!" Tawag ko sa kanya.

Kitang kita naman na nagulat siya sa ginawa kong pagsigaw.

Ako rin naman eh. Tsk

"Ano yun? Umagang umaga." Ngiting sabi ni Lucas.

"What happen to you yesterday? Bat hindi ka pumasok.

Hindi siya sumagot. Lagi na lamang siyang ganyan kapag may problema.

"Ah. Pare. Kuhanin ko sana number mo." Pag iiba niya ng topic.

"It's in there. Tignan mo sa contacts." Sabi ko.

Naglakad na siya papuntang room.

Sumunod na lamang ako sa kanya.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon