Ikalawang Kabanata

28 4 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig.

Ako ba talaga yung tinawag?

"Again, calling the attention of Mr.Lucas Zachary Antonio. Pumunta na po kayo dito sa harapan."

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nag umpisa ng humakbang papunta sa harapan.

Lahat ng mga bisita ay sa akin nakatuon ang kanilang mga mata. At may mga iilan ilan na nagbubulungan pa na parang hindi alam ang ibig sabihin ng pagbulong.

"My god. Why is he here?"

"Bakit yan pinapasok dito? Parang basurero."

"Ang pangit naman ng suot niya. Tapos isinali pa siya sa mga magbibigay ng message."

"Look at that guy, mukhang matino pa ang buhay ng mga maid ko kaysa diyan."

Hindi ko na lang sila pinansin.

Pag akyat ko sa stage ay ibinigay agad sa akin ng emcee ang mikropono.

"Ah.. Ehem!" Lumunok pa ako dahil kinakabahan talaga ako.

"I- I want to greet you a happy happy birthday George. Thank you for inviting me in your party and for letting me in kahit na ganito lang kabasurang tignan."

Muli ay may nabuo nanaman na bulung bulungan.

Hindi ko ipinapakita sa aking boses na nasasaktan ako sa mga tingin nila at bulung bulungan nila.

"I don't really know what's the reason why you invited me here but one thing is for sure. I don't like it here, I don't want to be like them if I were to be a rich."

Nakita ko na nanlaki ang mata ng iilan.

Inagaw sa akin ng emcee ang mic at pinandilatan ako.

Pagkababa ko sa stage ay lalapitan sana ako ni George ngunit agad kong tinungo ang daan palabas.

Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni George ngunit hindi ko na siya nilingon.

Nang makalabas na ako ng hall ay nakaramdam ako ng ginhawa.

"S-sorry sa mga nangyari kanina"

Nagulat ako sa biglang pagsasalit ng isang babae.

Tinignan ko lamang siya.

Pumunta siya sa harap ko at biglang inilahad niya ang kanyang kamay.

"I am Irish Beatrice Lopez. Bisita rin ni George."

"I-I a-am Lucas. Bisita rin ni George, hindi lang halata. Kasi mukha raw akong basura." Pilit pa ang aking tawa ngunit halata talagang may halong pait.

"Hayaan mo na sila. Ganyan talaga ang mga may kaya. Pero syempre hindi naman lahat. Kasi hindi naman nila ako katulad."

"Ahh. Ganoon ba?"

Nginitian niya ako.

"Nag-aaral ka pa ba?"

Sa tingin ko ay hudyat na iyon ng panibagong topic.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon