Unang Kabanata

41 5 0
                                    

Paggising ko ay naghanda agad ako para sa aking pagpasok sa eskwelahan.

"Magandang umaga, apo. Kumain na tayo."

"Magandang umaga rin po." At daglian akong umupo para na rin makakain.

Naligo na agad ako pagkatapos.

"Lo, alis na po ako."

"Sige apo. Heto ang baon mo. Magjeep ka para hindi ka mag amoy pawis ngayong umaga." Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

"Huwag na po Lolo, may pera naman na po ako. Sa inyo na po iyan." Ngiti ko sa kanya.

"Ikaw talaga apo. Minsan nalang nga ako mamigay. Aayaw ka pa."
Sabi ni Lolo na parang natatawa.

"Mag iingat ka po sa pangingisda Lolo. Aalis na ho ako."

"Patnubayan ka sana ng Panginoon."

Ngumiti ako sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

Nang makarating na ako sa eskwelahan ay may nakita akong pamilyar na babae.

Iniisip ko kung saan ko siya nakita pero hindi ko talaga maalala.

Nagtungo na ako sa aming classroom dahil malapit na rin ang magumpisa ang klase.

Binuklat ko ang isa sa mga libro ko at nag umpisang nagbasa.

Lumipas ang ilan pang minuto hanggang sa tumunog na ang bell na hudyat na pag uumpisa ng klase.

Pumasok na si Miss Castrano na instructor namin sa World Literature.

"Okay Class. GoodMorning."

"GoodMorning Ma'am."

"Please get a whole sheet of yellow paper. I will dictate the questions."

Tahimik lang akong kumuha ng papel habang ang buong klase ay parang mga bubuyog na bulong ng bulong para makahingi lang ng piraso ng papel.

Natapos na nga ang quiz sa World Literature. Lahat kami ay nakahinga na ng maluwag.

"I will announce the names of those who didn't passed the test.. Next meeting. Good day class!" Sabi ni Miss Castrano.

"Good day Ma'am."

At umalis na nga ang aming guro.

"Lucas, nakuha mo ba ang quiz?"
Tanong sa akin ni Liezel.

"Ah. Ata. Hindi ako sigurado." Ngumiti ako sa kanya ngunit ito'y pilit.

Puro lecture lang ang nangyari sa buong maghapon.

Uwian na. Mabuti nalang din at walang homeworks na ibinigay. Makakapagpahinga ako nito.

Palabas na ako ng school nung lumapit sa akin si George Mejares na kaklase ko.

"Pre, birthday ko ngayon. May celebration sa Olivares hall. Pumunta ka ha?" May kung ano sa kanyang tono na hindi ako mawari.

"Hindi ba enggrade iyon? Wala akong damit para doon. Pasensiya na at hindi ako makakapunta."

"Wala naman. Basta pumunta ka mamaya ha? I won't accept a no."

"S-sige."

"7pm. Sa Olivares hall."

Tinanguan ko na lang siya at patuloy na naglakad.

Nagmano agad ako kay Lolo pagkakita ko sa kanya..

"Kumusta ka naman apo?"
Tanong sa akin ni lolo.

"Maayos naman po lo. Nga pala lo, aalis ako mamayang 6:30. May pupuntahan akong party."

"Saan naman iyan apo? Kasama mo ba ang kasintahan mo?" Tumatawa si lolo sa kanyang nasabi.

"Ano ba naman lo. Wala pa po sa isip ko ang 'gerpren gerpren' na yan." Nagtawanan kami ni lolo.

"Alam mo apo, hindi naman masama na magkaroon ng inspirasyon. Bente anyos ka na at wala ka pang nagiging 'gerpren' aba'y may balak ka bang tumandang binata?" Nangingiting tanong pa niya.

"Darating din yun, Lo. Hindi lang talaga ngayon."

"Osiya, kumain na muna tayo. Bago ka umalis."

"Eh lo, may pagkain naman ho roon."

"Kahit na,kumain na tayo apo."

Wala na rin akong nagawa kundi ang sabayan siya.

Pagkatapos ay nag ayos na ako. Suot ko ang polo shirt na halatang gamit na gamit na at ang lumang pantalon na may konting punit na.

Nagtsinelas na lang ako.

Wala kasi akong sapatos na pang alis. Pang aral lang. Black shoes pa.

"Aba'y talagang kagandang lalaki natin apo." Halakhak ni Lolo.

"Aalis na po ako Lolo."

"Mag iingat ka. Alam mo naman ang panahon ngayon apo."

"Opo lo. Matulog na rin po kayo mamaya, huwag mo na akong hintayin"

Nginitian niya lang ako.

Nag jeep ako papunta sa Olivares hall.

Pagdating ko roon ay ang dami daming sasakyan na nakaparada sa labas nito.

May Ford, Hiace, Mitsubishi, BMW, at hindi ko na kilalang mga sasakyan.

Kinabahan ako dahil mukha talagang bigatin ang mga bisita ni George.

Sana pala ay tumanggi na lamang ako kanina.

Uuwi na sana ako ngunit eksaktong pagpihit ko patalikod ay may tumawag sa akin...

"Lucas!! Tara na. Pumasok ka na." Anyaya sa akin ni George.

"Ah,eh,,. Hindi ba nakakahiya?"

"Hindi ano ka ba!"

At hinigit na nga niya ako papunta sa loob.

Kitang kita ko sa mga mata ng mga taong naroroon ang panunuya sa aking itsura at aking suot.

May iilan din na nagbubulung bulungan habang kami ay paparating na tila ba may hindi kanais nais na dumating.

Iba't ibang klase ng pagkain ang nakahapag sa mesa.

At may mga waiter na nagseserve ng kung anu-ano sa mesa ng mga bisita.

Nagulat ako bigla ng lumapit kami sa isang lalaki na nakatuxedo at halatang halata na may kaya talaga.

"Dad, this is Lucas Zachary Antonio. My classmate. Lucas this is my father, Julio." Nakangiting sambit ni George.

"Please to meet you ,sir." Lahad ko ng kamay sa kanya.

Naiwan ang kamay ko sa ere.

Tinanguan niya lamang ako.

Tumawa lang si George.

Nagsimula na ang program sa birthday ni George.

Nandoon yung nagsalita ang kanyang mommy at daddy.

May mga bandang kumanta.

May iilang pagkain na rin na nakahapag sa aking mesa.

May cake, may wine, may sinerve na mamon at mga pagkain na hindi na ako masyadong pamilyar.

Naisip ko tuloy kung nandito ang mga magulang ko, siguro iba ang buhay ko ngayon.

Pagkatapos ng ilang nagperform ay may iilan naman na tinatawag upang magbigay ng mensahe kay George.

"Thank you Miss Aina, so the next person who will give his message to our birthday celebrant is Mr. Lucas Zachary Antonio."

'Lucas Zachary Antonio'

'Lucas Zachary Antonio'

'Lucas Zachary Antonio'

Para akong nabingi sa aking narinig.

"Is Mr.Lucas here? Please come forward." Nangingiting sabi ng emcee.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon