Ikatlong kabanata

31 5 0
                                    

Pagkatanggal ng mga kamay sa aking mga mata ay bumulaga sa akin ang mukha ng magandang babaeng hindi ko kilala.

"Uhh, sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Almira Esteves. And you?" Ngisi niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot at umalis na lamang ako.

Hindi ko alam kung anong trip noong babae na yun.

Nung pabalik na ako sa classroom ay nakasalubong ko si Irish.

Ngitian niya ako, tinanguan ko lang siya.

Nung lalagpasan ko na sana siya ay bigla niyang hinigit ang braso ko.

"Lucas, do you have phone?" Tanong niya na may ngiti sa kanyang labi.

"Ah eh. Wala eh."

"Ah, ganoon ba? Well, kita na lang tayo next time. Take care." Aamba sana siya ng halik ngunit iniwasan ko ito.

"Ah. Right, take care,too." Naiilang kong sabi sa kanya.

Wala naman din akong itetext kaya wala naman din mangyayari kung may cellphone ako

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na ito at parang pinaliguan ako ng swerte.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Nang makarating na ako sa classroom ay saka naman nila inannounce na wala na raw pasok dahil may general meeting daw ang lahat ng faculty sa university hall.

Naisip ko na tamang tama rin iyon para makapunta sa palengke at magsideline para kumita ako ng extrang pera.

Palabas na ako ng school nung may humigit ulit sa braso ko.

"Ano ba!" Sigaw ko sa sobrang irita.

Pagkakitang pagkakita ko ay nagsisi agad ako sa pagsigaw ko.

"S-sorry Irish. A-akala ko kasi kung sino eh."

"Ayos lang. Kasalanan ko naman." Ngiti niya sa akin na tila hindi man lang siya nagalit sa ginawa ko.

Hindi ako kumibo dahil talagang nagiguilty ako sa ginawa kong paninigaw.

"Wala na sa akin yun. Anyway, do you have any plans for today?" Tanong niya.

"Magtatrabaho ako sa palengke eh. Bakit?" Seryosong sagot ko sa kanya.

"Ah wala naman. Aayain sana kitang lumabas eh. Wala rin naman kasi akong gagawin eh." Ngisi niya.

"Ah. Sa susunod na lang siguro Rish, wala akong pera para sa ganyan lakad eh." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Don't worry, my treat." Sabi niya na may halong sinseridad.

"Ah hindi na." Sabi ko sa kanya.

Naglakad na ako palabas para sana maiwasan siya pero sumunod parin siya.

"Umiiwas ka ba?" Halatang naiirita na siya.

"Ah--eh. Hindi naman sa ganoon."

"And why are you like that?"

"You won't understand."

"I do understand Lucas. C'mmon. Lalabas lang naman tayo. At treat ko!" Sigaw niya.

"Ayoko nga. Please, don't bother me Rish. Wala kang mapapala sa akin."

At tuluyan na akong umalis.

Ang swerte ko talaga ngayong araw.

"Dammit!" Inis kong sambit.

Nang makarating na ako sa bahay ay wala si lolo.

May pagkain sa mesa ngunit wala akong ganang kumain dahil na rin siguro sa mga nangyari ngayong araw.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon