Ikaapat na Kabanata

26 6 0
                                    


Nagising ako dahil sa isang katok.

"Apo, oras na. May pasok ka pa." Sabi ni lolo.

Nginitian ko siya at agad na bumangon.

Nakaramdam ako ng ginhawa dahil nakauwi na siya. Akala ko ay may nangyari na hindi maganda sa kanya.

"Ah lo, bakit nga po pala kayo hindi umuwi kagabi?"

"Medyo marami kaming nahuhuling isda apo. Sinamantala na namin. Kaya ayun at ginabi kami. " Seryosong sagot niya.

Nagkibit balikat nalang ako at nag umpisa ng kumain.

"Lo. Alis na po ako."

Kinawayan lang ako ni lolo.

Pagkarating ko ng school grounds ay nakita ko agad si Almira.

"Almira!" Walang pagdadalawang isip na tawag ko sa kanya..

Nakita ko siyang lumingon lingon..

Pansin ko na hindi pa rin niya ako nakikita kaya napagpasyahan ko na lamang na lumapit sa kanya.

Kinalabit ko siya.

"Almira." Mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Oh Lucas?" Halos marinig ko ang pagkabigla sa kanyang boses.

Bigla akong kinabahan sa simpleng tanong niya.

"Ahh. Wala." Simpleng sabi ko.

Nginisian niya lamang ako.

"Wala ba kayong pasok?" Pormal na tanong ko sa kanya.

"Mayroon." Tipid na sagot niya.

"Tara sabay na tayo?" Medyo kinakabahan ako sa pag aya ko sa kanya.

Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.

Huwag niya sana akong tanggihan.

"Ah. Eh. Malapit lang naman kasi building ng EDUC at Engineering, di ba?" Palusot na sabi ko.

"Sige."

Naglakad na kaming dalawa.

Walang sinuman ang nagsasalita sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit ganoong kaba na lamang ang nararamdaman ko.

Biglang tumikhim si Almira.

Napalingon ako sa kanya.

"Ah. This is the educ building Lucas." Natatawang sabi niya. "Ayun yung building ninyo."

"Ah, sorry." Nahihiyang sabi ko.

"It's fine. Kunwari na lang hinatid mo ako." Sabi niya.
Pinipigilan niya talagang matawa ng sobra.

"Okay. So, see you around."

Kinawayan niya na ako.

Habang patungo ako sa room namin ay iniisip isip ko talaga kung bakit ako napalampas sa building namin. E parang saglit lang naman kaming naglakad?

Dinaan ko nalang sa buntong hininga ang nangyari kanina.

Pagpasok ko sa loob ng classroom ay hindi maipintang mga mukha ang sumalubong sa akin.

Bigla akong bumalik sa ulirat.

Ngayon pala iyong announcement ni Ma'am.

"Good Morning class." Bati ni Miss Castrano.

"Good Morning Ma'am."
Bati naming lahat.

"So, how are you people?" Pormal na tanong niya sa aming lahat.

To See Her Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon