1. Kitams?

57 3 0
                                    

(M.V. ⬆Ready or not by Britt Nicole - Theme song nya sa sarili [ni Violet] wink!)

Violet's POV

Oh, hey there!

Hi. My name's Violet Mendiola.

Pinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya- or so I thought dati.. kamakailan ko lang nalaman pero sabi sakin ni mommy, mayaman daw ang pamilya namin. Lalo na daw ung mga lolo at lola ko.

Hindi ko na naabutan ang tatay ko nung pinanganak ako sa mundong ito kaya ang mommy ko nalang ang natirang magulang ko na nagaalaga saming dalawa ni kuya kaya lang, busy sya sa trabaho lagi at hindi na kami ganun kadalas napapansin.

Actually hindi ako nagtatampo kase sa pagkakatanda ko, nung bata ako sakin halos nakatuon ang lahat ng atensyon at oras nila and the last time I checked, halos lahat naman ata ng mga teenagers ay ayaw nang napapakealaman ng mga magulang nila right?

Anyways, mayaman ako. Maganda. Talented. Matalino. At magaling sa halos lahat ng bagay. Halos perfect na nga kung tutuusin eh. Yun lang, hindi naman sa masama ako pero ang masasabi ko lang.... maldita ako.

Oo, isa na akong maldita ngayon. Malditang freshmen sa College na mabait at mapagbigay dati.

DATI, isa ako sa pinakamabait na mga estudyante sa school, masayahin, matulungin, mapagkumbaba, lahat.. halos lahat ng magagandang bagay nasaakin na... at siguro, lahat nga ng sobra ay masama dahil sa sobrang kabaitan ko.... Inatake ng inggit at pagkainsecure ang mga "kaibigan" ko.

Kaya ngayon, pagbibigyan ko kayo. Hindi nyo na makikita ang kinaiinggitan nyong mabait na si Violet. Hindi nyo na sya kaiinggitan ngayon. Maghanda kayo dahil malamang sa malamang, imbes na inggit ay sakit at takot na ang mararamdaman nyo sa kanya.

Humanda na kayo dahil paparating na si Violet, ang dating reyna ng kabaitan na ngayo'y reyna na ng kamalditahan.

Meet the new Queen, Bitch.

***

"Ma'am nandito na po tayo" Pinagbuksan ako ng driver namin ng pinto marahil ay nasa tapat na kami ng bago kong school na papasukan.

Isa na ako ngayong College Freshmen kaya naman hindi na ako nagtaka kung may ilan ilang hindi nakakaalam kung sino ako.

Ayos 'to. I can start anew. Fresh face, no one knows me yet. I can start building my reputation here as a new person ng walang kahirap hirap dahil wala halos nakakaalam ng nakaraan ko.

Hindi nila ako kilala, so I will introduce myself as someone nobody knew before. A new me. A new reality.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at pinagmasdan ang mga tao. May nakilala ako sakanilang ilan ilan pero hindi ko sila pinansin sa halip ay dinaanan ko lang sila.

Dumiretso ako sa bulletin board para hanapin ung classroom na papasukan ko.

Halata ngang madami ang hindi nakakakilala sakin dito kase pagtapak ko palang ng sapatos ko sa hallway nagsipagtabihan na sila at nagbigay daan para sakin.

Natakot siguro sila, gumagana yung first step ko! Ehem.. mali. Gumagana pala yung first step ko sa pagiging isang Maldita.

Sigurado akong alam nyo na isa akong mabait na nilalang NOON diba? Well, kung hindi atleast ngayon alam nyo na.

Nung highschool kase ako, isa ako sa mga pinakamababait na istudyante sa school kaya naman ang dami kong kaibigan noon pero hindi pala nabibilang ang kaibigan sa dami. Sa pagiging totoo pala.

Anyways, 1st step ko sa pagiging maldita ay looks at clothing.

At sa nangyayari ngayon ay mukhang umeepekto ito dahil napagkamalan nila akong isang tunay na maldita kaya natakot sila. Yes! So step one, Check!

Hard to Get: VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon