10. Stupid Excuse

12 2 0
                                    

Violet's POV

Monday na at pagdating ko sa school, wala na akong ibang narinig kungdi ang mga kwentuhan nila sa mga masasaya at hindi magagandang karanasan nila sa camping slash outing namin nung friday night hanggang sunday morning.

Kahit ako sobrang saya ko din at ang laki laki ng ngiti ko dahil okay sa kanila yung camping na nirequest ko!

Nakita ko si Ana.

Tinignan ko sya, tinignan nya ako.... pero umakto syang hindi.

Kaya inakbayan ko sya agad.

"Wala ka nang takas sakin ngayon" bulong ko sa kanya.

"Sino ka?" Patay malisyang tanong nya sakin kaya pinitik ko sya ng malakas sa noo. (Oo nga pala magaling na yung noo ko yay!)

"Aray!"

"Kelan ka nagkaamnesia?" Panlilisik ko ng mata sa kanya kaya awkward syang tumawa.

"Ha-ha-ha-ha joke! *peace sign*pero seryoso di kita kilala" pagseryoso bigla ng mukha nya tsaka sya kumaripas ng takbo habang nakadila sakin.

"Gusto nang pilitan ha? Game." Smirk ko sa kanya habang nagmamadali syang umakyat ng hagdan.

***

Break time na namin ngayon at nandito na ako sa harap ng room nila Ana.

Nakisama ang panahon dahil ang aga naming dinismiss para magrecess kaya nakapunta agad ako dito.

Naglabasan na yung mga kaklase nya at--

"Hops!" Harang ko kay Ana.

"San ka pupunta?" Ngiting peke ko sa kanya na ginantihan naman nya ng-

"Sino ka?" Gaya nya sa ngiti ko at nilagpasan ako sabay buntong hininga.

Nilingon ko sya at pagkalingon ko, aba naging si 'the flash' kung kumaripas ng takbo.

Baliw talaga 'tong babae na'to ha?

Sige tignan natin kung sino maunang bibigay sating dalawa.

Hindi ko na sya sinundan dahil nakagawa na ako ng plano mamaya.

Hindi ko na din sya inabangan nung uwian pero syempre may iniwan ako sa locker nya.

Hehehehe

"Ano 'to?" Sinilip ko sya galing sa malayo at hindi man halata, siguradong natuwa sya dun sa iniwan kong pa-chocolate sa locker nya.

Naglagay pa ako dun ng letter na nagconfess sa kanya yung kunyaring nagbigay ng chocolates.

Ang hindi nya alam, yung location na nakalagay kung san magpapakita yung lalaki, is yung kwarto ko dito sa school.

Hindi pa nga pala nya alam yung tungkol don hahahaha.

(BTW narinig ko sa mga chismis jan na gagawin daw ni lolo na mga dorms yung building kung san kami ni Tyrone may kwarto, well, okay na din naman yun kesa kami lang lagi tao dun pag walang pasok)

Nakita kong napapairap pero mahina ding ngingiti si Ana habang binabasa yung letter.

Maya maya inunahan ko na sya ng alis papunta dun sa kwarto.

Iniwan kong bukas yung pinto at nagtago ako sa likod nito.

Nakailang beses muna magdoorbell si Ana bago nya binuksan yung pinto at nakapatay yung ilaw kaya hinanap nya pa yung switch.

Hindi nya ata napansin na sinasarado ko na yung pinto?

Nabuksan na nya yung ilaw.

Humarap sakin.

Hard to Get: VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon