11. Can I court you?

12 3 0
                                    

Violet's POV

"Can I court you?"

"Yiieeee ayieeee humaygad juskolord sagutin mo naaa!!"

"Waaaa bagay silaaaa!!!"

"Kyaaaaa kinikilig ako!!! Kyaaaaahhh"

"Pwede magpalit ng kaluluwa!? Grabe ang swerte nya!!!"

"Kainggit!"

"B-b-bahala ka..."

"Yes!" masayang abot nya sakin nung chocolate at teddy bear na dala nya.. may kasama pang isang piraso ng rose.

Typical manliligaw.

"On second thought.... No thanks. I'm not into this kind of shit." Bitaw ko sa mga hawak kong abubot sabay talikod sa kanya at walk-out.

"Taray!" Salubong sakin ni Ana habang nagiislow clap.

"Lodi ka talaga" dugtong pa nya.

"Tss. Ayoko ng ganun...." sabi ko sa kanya at sinabayan naman nya ako sa paglalakad.

Pinat ni Ana yung likod ko sabay sabing "so gusto mo yung special? ganun?" Habang nakataas ang isang kilay.

"Hmm... gusto ko sana ung may originality" smirk ko sa kanya.

"Hahahhah!! Lol! Choosy!" Sabi nya sabay tawa ng matindi.

"Ganun talaga pag maganda. Kailangan choosy" pagpapacute ko sa kanya na lalo nya pang ikinatawa.

**

"Class dismissed" annunsyo ng teacher namin kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil sa wakas tapos na din yung grabeng torture na quiz namin na yun.

Tumayo ako para ayusin yung mga gamit ko at napansin kong umalis na sila Tyrone sa room para siguro magpractice na ng basketball.

Pagkasukbit ko ng bag ko, nagmamadaling pumasok sa room namin si Ana.

"You need to hide" nanghihingal nyang sabi sakin sabay hampas dun sa table for support dahil mukhang pagod na pagod na sya.

"What happened to you?" Sabi ko habang pinapanood siyang hinihingal.

"Hinabol" hingal nya paring sabi.

"Nino?" Upo ko sa upuan.

Tinignan nya muna ako at inayos ang paghinga bago magsalita-- pero hindi nya naituloy.

Napatingin kasi kami sa grupo nila Tyrone na paatras nang paatras galing sa labas papasok sa kwarto.

Napatayo ako para tignan kung ano yun pero biglang sinarado ni Tyrone yung pinto at sumandal dun.

"Yung nanligaw sa'yo kanina, nasa labas yung mga fangirls nya, hinihintay ka" bulong sakin ni Ana kaya kinilabutan ako.

"May balak yatang patayin ka" mahinang tawa nya pa sabay upo.

"Ano!?" Sigaw ko sa kanya kaya napaflinch sya sa gulat.

Napatingin din samin yung grupo nila Tyrone.

Inis kong sinukbit ng maayos yung bag ko at tsaka nilagpasan sila Tyrone para lumabas ng pinto.

Pagkabukas ko ng pinto, naghihintay nga sa labas yung mga fangirls kuno.

Bakit artista ba sya?

Pero who cares. Wala akong paki sa kanila.

Tumabi sakin si Ana pero hindi ko na sya hinintay, naglakad na ako.

Hard to Get: VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon