12. Danger

15 2 0
                                    

Violet's POV

"Kkkkkkkkk!!"

Naramdaman kong may kung anong kumikiliti sa paa ko kaya naalimpungatan ako sa pagtulog at napabungisngis.

Madilim pa. Nakapatay yung ilaw.

Sinilip ko kung ano yung kumikiliti sakin sa paa pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig yung boses ng lalaking tumatawa sa may paanan ko.

Sinundot nun yung paa ko at napaatras ako ng sobra at mahigpit kong naibalot sa kumot yung katawan ko ng dahil sa pagkagulat.

Panong may nakapasok dito!?

At bakit napaka dilim? Hindi ko sya makita!

Let me rephrase that, wala pala akong makita.

Brownout ba? May night light naman ako na iniwan ah, at tsaka...

Nakapatay yung aircon!?

Pinagpapawisan na ako sa kaba lalo na't naririnig ko pa rin yung creepy na paghalakhak nya.

Naaaninag ko na din sya dala ng faint na ilaw galing sa labas pero hindi ko parin talaga sya makita ng maayos.

Hindi din ako gumagalaw dahil natatakot ako.

"Hindi ka namin sasaktan Violet Mendiola, wag kang mag-alala. Mababait kaming tao" parang nababaliw na wika nyang manyak.

Nanginginig kong inabot ng dahan dahan yung cellphone ko sa side table para hindi nya mahalata pero dahil sa sobrang pagkataranta at panginginig ng kamay ko, hindi ko iyon nahawakan ng maayos.

Mariin akong napapikit at napamura sa sarili ng umalingawngaw sa kwarto yung kalampag ng cellphone na nalaglag sa sahig.

Naramdaman kong gumalaw sya kaya pagkadilat ko, hindi na ako nagsayang ng oras at kinuha ko agad yung taser sa ilalim ng kama ko sabay bukas sa de-battering lamp sa side table ko at tsaka ko itinutok sa kanya agad yung taser.

"Wag kang lalapit!" Higpit ng hawak ko dun sa kumot.

Ang chaka nya!!!! Tulong!!!! Ayaw ko sa mga panget! Marape na ako wag lang sana yung panget please!? Mukha siyang manyak na lasinggero sa kanto!

Estudyante pamandin sya dito sa school na'to pero bakit't ganyan itsura nya!?

May pagkabastos na ngumiti sya sakin sabay hakbang papalapit habang nakataas yung dalawang kamay na para bang sumusuko.

Hindi ko inaasahan yung paghapit sakin ng kung sino galing sa likod.

May kasama sya!?

Lumingon ako patalikod at sumigaw ng kapagkalakas pero nabitawan ko yung taser nang marahas nyang tinakpan ang bunganga ko.

Shit shit shit!!!

"qgsitzskgxkhdlh!!" Bwiset!

Kinagat ko yung kamay nya para makasigaw ng malakas. "AHHHH!! TULONG!!! Afdsscsfjgd--" bago nya tinakpan ulit yun gamit ang panyo at wala na akong nagawa kundi tumingin sa kanila ng masama.

Kinilabutan ako nung sininghot nya yung buhok ko galing sa likod at nagcringe ako nung pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko. "Mmmm" sabi nya.

'Putangina kadiri!! Layuan nyo ako please!!!'

Nainis pa akong lalo nung lumapit samin yung sinasabi kong baliw na estudyante kanina.

K-k-kadirii!!!

Naramdaman ko na lang na tumulo na pala yung luha ko nung sinalat nung naka hawak sakin ang parte ng harapan ko at saka bumulong sakin ng- "wag ka nang pumalag, wala ka nang magagawa" bago nya dinilaan yung pisngi ko na lalo ko pang kinaiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hard to Get: VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon