3. Thank you

32 3 0
                                    

Violet.

Two months have passed since nung dinner namin with my family.

Syempre, everyone already knew na magpisan kami ni Tyrone kaya sa tuwing nadadaan ako sa hallway, or di kaya sa mga lugar na matao, ang naririnig ko palagi ay yung mga bulungan nila kuno, ako daw ay isa sa mga big names, pinsan ko daw si Tyrone, apo din daw ako ng may ari ng school etsetera etsetera.

Kaya naman napapaisip nalang ako, why do they always meddle with someone's life? Mabubuhay naman sila na hindi ako pinaguusapan diba? Sheeze. Ikakaganda at ikapopogi ba nila yun? I don't think so.

Everyday, same things happen in my college life. I guess it became my daily routine na rin.

Papasok, mag-aral, punta sa library, recess, dadaan sa maraming tao, punta sa tambayan, (this is my favorite part of everyday) pasimpleng makikinig or mag-eeves drop sa tropa na nasa katabing puno ng tambayan ko kase and sarap nila pakinggan, wala silang masyadong arte, hindi sila yung tipong naninira ng tao sa isa't isa para lang may mapagusapan, sila yung happy about their everyday lives. Siguro ang sarap din nila maging friends.

Anyway, pagkatapos maglunch, diretso na agad sa classroom tapos magaaral saka uuwi.

Everyday's the same day.

Pero naeenjoy ko naman kahit wala akong 'Freinds' kase I was contented na makinig nalang sa mga happy stories nila. You know who i'm talking about ;)

At least sila happy diba?

I do the same things again.

And again.

And again.

And again and again and again and again and all over again.

Its been two months, nakakaboring na. Akalain nyo yun? Nakasurvive ako ng walang kaibigan sa loob ng two months? Pano pa kaya sa mga susunod na semester?

But, atleast this day was not the same as always.

Syempre as usual yung mga ginawa ko kanina, pumasok, nag-aral, nag-miryenda, bumalik sa klase tapos ngayon, eto ako dadaan nanaman sa maraming tao sa tapat ng canteen bago makarating sa favorite lunch time place ko, yung tambayan ko sa ilalim ng puno.

As i'ved said earlier, this was a different day kase dapat maraming taong nagkalat dito sa tapat ng canteen pero ngayon, there's no one around here kaya naman nung dadaan ako sa canteen sinilip ko ung mga tao dun. And guess what?

Ang daming tao sa loob.

Nagkumpulan pa ata sila.

Ano kaya nangyayari dun?

I wanna see.

I walked towards the crowd slowly but surely with my korean styled lunchbox. Hindi ako chismosa but I am curious kaya gusto ko malaman kung ano nangyayari.

Nag-istop ako sa harap nung mga babae na nakatingkad at may hawak hawak na mga cellphones, hinawakan ko yung balikat nung dalawang babae and then I pushed them aside, syempre nung una akala nila kung sino lang yun kaya tumingin sila ng masama, pero nung nakita nila 'tong pretty face ko, they steped aside saka yumuko.

Nagbigay daan din yung mga sumunod sakin at nung nasa malapit na ako sa gitna, biglang nanggigil yung panga ko sa galit.

I composed myself first before entering the scene naturally.

"What the Fvck's happening here?" Pa-cool kong tanong sabay sandal sa table ng nakadequatro at tingin sa kuko ko na para bang manonood ng movie.

Natigilan sa pagtawa ng malakas sila Ivy, such a dissapointment.

Hard to Get: VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon