Chapter 3

216 12 6
                                    

Yamara

Naisipan kong magalakad na lang. Wala na namang sumusunod sakin. Grabe! Nakakapagod tumakbo ah! Hinahabol kasi ako ng mga pulis.

Lagi naman akong nagmamarathon run eh. Feeling ko pwede na ko magtrack and field. Bwiset kasing mga pulis na yan! Ako lagi pinapansin!

May nagyaya kasi sakin na makipag racing! Illegal. Eh dahil mas gusto ko yun, pumayag ako. Kaya lang, kukunin ko na sana premyo ko kasi nanalo ako. Bigla namang sumingit yung mga pulis! Bwiset! Sayang yung premyo!

Habang naglalakad may nakabunggo akong babae. Yun, tumilapon. Samantalang ako hindi man lang natinag sa pwesto ko. Anyare teh? Lutang ka?

"Aray! Ano ba yun poste?! Tulungan mo ko bes!" Sigaw niya. Tinulungan naman siya ng kaibigan niya. Poste?! Ang ganda ko namang poste? Tumingin sila sakin!

"Yah! Hindi ka ba magsosorry?! Hindi porke't malaki kasalanan namin, wala na kaming karapatan mahalin!" Sigaw nung kaibigan. Ano to? Ang drama naman!

"Huhuhu! Tama! Bes! Maganda siya oh? Waaaa! Kaya siguro ako pinagpalit ng ex ko! Nakakainis!" Singit naman ng nabunggo ko.

Naglakad na lang ako at hindi sila pinansin. Dapat magsosorry ako kaya lang, may problema ata sila sa utak.

"Hoy! Wag ka munang umalis!" Sabay nilang sigaw. Napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko sila ng masama. Abnormal ata sila?

"Ano bang problema niyo?" Tanong ko. Mga saltik to. Sumasakit brain cells ko sa kabaliwan nila!

"Marami! Huhu! Hindi ko naman ginusto yun ah! Kaibigan ko rin yon! Nasasaktan din ako! Sa tingin nila ginusto ko yon?! Hindiiii!" Kwento ng isa.

Ano ba naman to? Pake ko sa problema niya? Ang dami dami kong problema, dadag pa sila! Sapak, gusto niyo?!

"Ako nga, pinagpalit! Ano pa bang kulang?! Nakakasakal?! Mukha mo! Sabihin mo nagsawa ka!" Sabat naman ng isa. Tigil nga!

"Kung may problema kayo, wala akong pakealam! May problema din ako! Wag niyong pinapasakit ulo! Baka masapak ko kayo! Layas nga!" Inis na inis kong sigaw.

Nagsimula na ko ulit ako maglakad ng sabay na naman sila sumigaw at hinabol ako. Binilisan ko ulit tuloy!
Pwede ba?! Pagod na ko tumakbo! Kakatapos ko pa lang dun sa mga pulis!

"Huwaaaa! May problema ka din? Kamiii riiiin! Sama ka saamin! Iinom kami!" Sabi nung nakakasawa girl. Yung totoo? Tao pa ba to?

"Saan?" Nabigla ako sa sarili ko at natanong ko yon. Hindi ako nakikipagusap sa hindi ko kilala.

"In my house! At isa lang na alak ang pwede sa may mga problema." Sagot nung isa.

"Ano naman yun?" Tanong ng kaibigan niya. Kahit ako ay naeexcite. Di ko lang alam bakit. Bat ba? Angal?

"Vodka." Sagot nito. Whaaaaat?!

                           ******
"Huwaaaaa! Tama! Tama! Magpapabelo ako para magsisi siyang iniwan niya ako!" Sigaw ni Jade. Kanina pa kami umiinom. Pero pareparehas pala kaming may high tolerance sa alak! Tsk! Tsk!

Ace of RoyaltiesWhere stories live. Discover now