Chapter 5

150 4 6
                                    

Jade

"Bakit bumaligtad ang mundo?" Tanong ni Skyler. Hindi pa rin kami makamove on ngayon, makakasama namin ang Kings sa iisang room.

"Tss. Nakakasawa mga mukha nila! Sarap bangasan!" Badtrip na sabi ni Yamara. Pinatunog niya pa yung darili niya. Warfreak.

"Panigurado, gulo to!" Sigaw ko. Pataasan sa quizzes, paunahan makasagot, magkagulo sa pagsasaway! Maling mali talaga ang desisyon nila!

"Tanungin kaya natin yung Dean?" Pagyaya ni Skyler. Tumingin kaming dalawa ni Yamara sakanya.

"Sige! Kung gusto mo mamatay mg maaga! Go! Suportahan ka namin!" Sigaw ko. Bwiset naman oh!

Ang Dean namin ang pinakamahirap kausap. Kapag di ka pinatawag, bawal mo siyang kausapin o puntahan man lang. Kung may tanong ka naman, magsusulat ka ng mahabang mahaba letter tungkol sa tanong mo.

Okay sana kung yung tanong mo lang isusulat mo eh! Kaya lang hindi! May explanation pa kung bakit gusto mo tanungin at ano makukuha ni Dean kung sagutin niya ito. Buong long bond! Pupunuin mo yun! Printed pa dapat! Napakaarte ng Dean namin.

Pag pinasa mo yun at hindi nagustuhan ni Dean. Edi itatapon niya. Hindi ka niya iaallow ng magtanong. Diba? Sayang lang paghihirap namin kung itatry namin! Alam kong para sa Dean wala lang tong section thingy na to!

"Daig pa babae! Parang laging may PMS!" Gigil na sabi ni Yamara. Sa sinabi niya ito, napatingin kami sakanya ng masama!

"Wow! Yamara! Galing pa sayo yan! Ikaw nga laging may PMS dito! Umamin ka nga! Lolo mo ba yung Dean natin?!" Sigaw ko.

Umirap si Yamara. At humarap kay Treyalsh. "Ikaw? Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya. Tumingin si Yalsh saamin na kasalukuyang nagdodrawing. Tumaas ang kilay nito.

"May dapat ba akong sabihin?" Inosente nitong tanong. Ang cute niya pero ang sarap niyang batukan! Bwiset naman oh! Kami stress na stress dito samantalang siya, relax na relax!

"Tss. Pakiexplain nga saakin, paano tayo naging magkakaibigan?" Bagot na bagot na sabi ni Yamara. Yan din tanong ko eh!

Natigil kami sa pagkwekwentuhan ng dumating ang Prof. Dambuhala ito at mukhang strikto! Nilapag niya ang kanyang mga gamit sa table.

"Goodmorning. I'm Yuan Tres. You can call me Sir Tres. And I'm your Math teacher." Sabi nito habang pinupunasan ang salamin.

Numbers na namaaaan! Isa yan sa mga dahilan kung bakit Top 4 lang ako. Hindi ako magaling sa Math. Nagaaral lang talaga ako ng mabuti don, para kahit papaano ay hindi bumagsak. Pero kung walang aral aral, lagapak na ako.

Allergic kasi ako sa numbers! Parang pag nakakakita ako, instant na nahihilo at nabablank ang utak ko! Parang nagkakaroon ako ng Brain Error!

*Tok! Tok!*

Narinig naming katok. Napaharap kami don at nakita ang Kings. Yeah, kaya malaya kami makapagusap kanina, ay dahil hindi agad sila dumiretso dito.

"Sorry, we're late. We just need to fix the problems in the Freshies." Sabi ni Adam habang hinihingal pa. Napahinga ako ng malalim. Hot.

Ace of RoyaltiesWhere stories live. Discover now