Chapter 6

145 5 5
                                        

Skyler

"Ano?! Nasaan na yung babaeng yon?! Natae na ba?" Tanong ni Yamara sakin. Galing na ako sa CR, pero wala siya ron. Umiling ako.

"Wala siya sa CR. Paano na yan? Hahanapin ba natin? Magtitime na!" Natataranta kong sabi. Di ko alam kung bakit, tinext ko na kasi siya. Walang reply. Kahit tawag, walang sumasagot. Hindi naman siya ganon!

"Teka! Wag ka ngang mataranta! Natataranta rin ako sayo!" Inis na sabi ni Yamara. Halata namang nagaalala din yan. Dinadaan lang sa sungit ang lahat. Tsk! Tsk!

"Sinong hindi matataranta?! Jade nasaan ka na ba?! God!" Sigaw ko habang patuloy na tinatry tawagan at itext siya. Pero wala pa ring sagot!

"Ayan oh! Si Treyalsh! Ni hindi man lang natataranta! Sarap na sarap pa uminom ng shake!" Bulong nito saakin habang nakaturo sa pwesto ni Yalsh. Tumingin ito saamin.

"Oh? Bakit ganyan itsura niyo? Gusto niyo ba?" Inosente na naman niyang tanong habang tinataas ang shake sa harapan namin. Paano ba niya nagagawang maging cute at maangas ng sabay?! Kakaibang babae!

"Yalsh, masasapak na talaga kita! Nawawala nga si Jade!" Sigaw ko. Tinignan ko siya. Akala ko sobrang magugulat siya pero, walaaaaaa!

"Ah? Talaga?" Tanong niya na para bang nakatuklas siya na may namatay na ipis. Seryoso? Huhu! Ako lang ba OA! Waaaa! Ano ba naman yan!

"Hey! Jade is missing! Hindi ka ba magrereact?!" Tanong rin ni Yamara. Tumingin naman saamin si Yalsh ng nagtataka.

"Huh? Kailangan ko bang umiyak? Sumigaw?" Parang batang tanong nito. Napa face palm na lang kami ni Yamara! Jusko, Yalsh!

"Hindi! Tatawa ka, talaga! Ha. Ha. Ha." Sagot ko. Tumango tango naman siya at inubos na ang shake. Maangas niya pang pinunasan ang bibig bago kinuha ang cellphone at humarap saamin.

"Hello? Ah yes. My friend is missing. Jade Pendleton. Huh? In the school? Where? Is she okay? Ah yes. Bye." Usap ni Treyalsh sa phone niya. Ha? Tumawag na ba to sa pulis? Wow? Sobrang nagaalala siya!

Tumingin siya samin. Bakas samin ang pagtataka. Akala ko ay kakausapin niya kami, pero swabe lang itong tumayo at nagfeeling na basketball player ng ishoot niya ang cup ng shake sa trash can, na napakalayo saamin. 3 points!

"H-hoy! Saan ka pupunta? Hintayin mo kami!" Sigaw ko at binilisan ang pagubos sa shake ko. Ganon din ang ginawa ni Yamara.

Hindi ito lumingon saamin at kumaway na lang ng nakatalikod. Pero maya maya. Sabay na tumunog ang cellphone namin ni Yamara. Binasa ko ang text.

09987654321

Jade is safe. Pinatrack ko siya. Nasa school lang siya. Don't worry.

Napatingin ako kay Yamara. "Pati sayo nagtext si Yalsh?" Tanong ko. Tumango naman ito. Sabay kaming napabuntong hininga. Hoo!

"Tignan mo tong si Yalsh! Sobrang arte! Hindi na lang sinabi!" Inis na sabi ni Yamara. Tumayo na kami at pumunta na sa room. Sakto namang nagbell.

"Guys, wala daw si Ma'am!" Sigaw ng bakla naming kaklase habang kumekembot pa. Maraming natuwa, isa na ko don! I'm just a normal student, afterall. Tinatamad din.

Ace of RoyaltiesWhere stories live. Discover now