Chapter 1

32 3 0
                                    

BAGO BASAHIN ANG ISTORYANG ITO NAIS KO LANG SABIHIN SAINYO NA IIMAGINE NIYO TALAGA ANG KWENTO UPANG MAS MASAYA AT MAG ENJOY KAYO HABANG NAG BABASA.

- BizzleSiszler lablab :*

--------------------------------------------------------

Third Person's POV

Habang nasa isang mahimbing na tulog ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Sofia. Ilang beses na ito ring ng ring ngunit hindi padin nagigising ang dalaga, mayamaya lang ay naalimpungatan siya dahil sa kanina pang tumutunog na telepono. Walang tingin-tingin na kinapa niya sa ilalim ng unan niya ang kanyang telepono at sinagot ito.


"THE HECK KYLIE ALAM MO BANG PANG BENTENG TAWAG KO NA TO SAYO! SALAMAT NAMAN AT SINAGOT MO NA!" Galit na galit na sigaw ni Thalia sa telepono. Ang kanyang matalik na kaibigan.

"Hmmm... Bakit?" Inaantok pang tanong ni Sofia sa kaibigan.

"BUMANGON KA NA JAN! PUPUNTA PA TAYONG SCHOOL! PAG HINDI KA PA BUMANGON IIWAN NA TALAGA KITA!" Singhal ng kaibigan niya sa kabilang linya.


" Bunganga naman Beech, ang aga-aga makasigaw ka jan. Oo na babangon na ako." Binaba na ni Sofia ang telepono saka tinignan kung anong oras na ba. 8:30 am na pala, hanggang 10 am lang ang kuhaan ng schedule nila sa klase. Kaya kahit tamad na tamad siyang bumangon ay napilitan padin siyang kumilos, bumaba siya upang mag almusal nadatnan niyang nag lalaro ang kanyang kambal na kapatid na sina Prince at Princess sa sala.


"Good mooooowning ateeee!" Bungad sakanya ng kapatid na si Princess at niyakap pa siya.


"Good morning din sayo baby cess." Sabay kurot sa pisngi ng nakababatang kapatid.


"Good morning sayo Prince." Sabay gulo sa buhok ng nakababatang kapatid na lalaki. Nginitian lang naman siya nito at pumunta na siya sa dining area at nag almusal. 


Matapos niyang kumain umakyat na siya sa kwarto niya at nakipag bakbakan sa lamig ng tubig upang magising at nag bihis na siya matapos maligo. Simpleng jeans, tshirt na white at converse lang ang suot niya at hinayaan na lang niyang nakalugay ang basa niyang mahabang buhok at umalis na. Matapos ang halos 30 minuto na biyahe ay nahatid na siya ng kanilang driver sa Harper University, simula Grade 7 ay dito na sila ni Thalia nag-aaral kaya kabisadong-kabisado na nila ang pasikot-sikot ng eskwelahan. Nakita na niya ang kanyang kaibigan sa gate ng school kaya nilapitan na niya ito habang ngiting-ngiti siya.


"Good morning Beech!" Masaya niyang bati sa kaibigan sabay beso dito.


"Good morning ka diyan! Alam mo bang 30 minutes na akong nag hihintay sayo dito? Walangya ka talaga napaka kupad mo bumangon! Ang init-init pa naman!" Iritadong singhal ni Thalia sa kaibigan.


"Hahahaha! Sorry na Beech, labs naman kita. Tara let's go!" Hinatak na niya si Thalia na kanina pa nakabusangot dahil sa tagal kumilos ng kaibigan.

Nakarating din sila sa tapat ng bulletin board para hanapin kung anong section nila at mapuntahan ang classroom nila upang makuha ang schedule nila sa lunes. Maraming tao ang nasa harap ng bulletin board na mahaba kaya nag hintay sila kaunti para mawala ang daming ng tao kahit papaano, ayaw kasi nilang nakikipag siksikan. Ang init na nga ng panahon makikipag siksikan pa sila sa dami ng tao. Habang naghihintay sila sa gilid bigla na lang nahawi ang tao sa gitna at nang lumingon ang magkaibigan dito nakita niya ang kanyang ultimate crush na si Ivan.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon