Chapter 8

14 2 0
                                    

I smell something fishy kay Kent HAHAHAHAHAHA kayo din ba?

-----------

Sofia Kylie's POV

"Oh ano Beech? Gutom na ako tara na!" Sabi ni Thalia pagka dating dito sa harap ko. Tinatamad kasi ako tumayo, pano hindi si Ivan yung escort ko.

"Sige una ka na. Hindi pa naman ako gutom eh." Sagot ko kahit medyo nag wawala na yung mga alaga ko sa tyan.

"Bakit naman papsi? Tara na sabay-sabay na tayong mag lunch." Nandito na pala sila Chase, Ethan at Seven.

"Sige una na kayo." Wala talaga akong ganang kumain. At pag wala ako sa mood gusto kong pumunta sa lugar na tahimik at gusto kong mapag isa.

"Ehhhh~ papsi tara na!"hinahatak pa ako ni Chase. Tinignan ko naman si Thalia. At alam na niya kung ano ibig sabihin non.

"Tara guys, kakain na lang yang si Beech pag nagutom. Iwan muna natin siya." Yeah save by Beech. Alam na kasi ni Thalia pag wala ako sa mood lalo na sa pagkain, eh dakilang matakaw ako kaya pano ko tatanggihan ang pagkain pwera na lang talaga kung wala ako sa mood.

"Sure ka bestfriend?" Paninigurado ni Seven. Tumango naman ako.

"Okay, tara na guys." Seven. Lumabas na sila except kay Kent kaya napalingon ako sakanya.

"Ikaw, hindi ka ba susunod sakanila?" Tanong ko kay Kent.

"What about you?" Napa poker face na lang din ako. Kakasabi ko lang diba na ayaw ko nga. Umiling lang ako sakanya.

"Okay." Sabi niya sabay ubob sa arm rest niya.

"Huy hindi ka ba kakain?" Ano trip nito? Balak ba niyang matulog?

"Huy Kent." Poke.

Snob na naman ako.

"Chris." Poke.

"What?" Ayan bumangon na siya at ang sama na naman ng tingin niya sakin.

"Hindi ka pa kakain?" Tanong ko ulit.

"Hindi nga eh." Inirapan pa ako. Psh!

"Bakit? Diet ka?" Maasar nga hahahaha. Ngayon lang kami nakapag usap nito eh. Wala namang tao sa room except saming dalawa.

"Eh ikaw, diet ka?" Sinimangutan ko nga.

"Tanong ko, tanong mo din. Ewan ko sayo." Wala talagang kwentang kausap si Kent. Tumayo na ako kaso bago ako makalakad hinawakan niya yung wrist ko kaya napahinto ako at napalingon sakanya.

"Where are you going?" Kunot noong tanong niya.

"Sa lugar kung san makakahanap ng matinong kausap." Straight face kong sabi. Sumeryoso naman ang mukha niya.

"Hindi ka talaga mag lulunch?" Tanong niya in a serious tone.

"Mukha ba akong nag bibiro? Bitaw nga!" Sinubukan kong tanggalin yung kamay niya sakin. Kaso mas lalo lang humigpit yung hawak niya sakin.

"Pano kung ayaw ko?" Tinitigan niya yung mga mata ko. At shet na malupet parang hinihigop niya yung mga mata ko at hindi ko magawang iiwas ang mga ito.

"A-ano ba Kent! Bitaw nga!" I manage to say kahit na nanghihina na mga tuhod ko dahil sa titig niya sakin.

"Sabay tayong kakain. Tara." Nagulat ako ng tumayo siya at saka hinatak ako palabas ng room pero bago pa niya ako tuluyan mahatak palabas, buong lakas kong binawi ang kamay ko kaya napabitaw siya sakin.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon