Chapter 13

7 0 0
                                    

Nagsimula nang magdagsaan yung mga estudyante dito sa quad ng 11am kaya di kami magkandaugaga ni Kent kasi ang daming gustong bumili ng mga paintings nya at magpagawa sakanya. May mga bumili din sa mga calligraphy ko tsaka nag papagawa as in dinagsa kami kaya ang ginawa namin ay kinuha yung names nila, contact number tsaka yung copy ng gusto nila ipadrawing at ipacalligraphy. Ang plano na lang namin ni Kent ay mamayang hapon nila makukuha yung mga pinagawa nila. Mga nasa 50 din yung nagpa sketch sakanya at mga nasa 50 din yung nagpapagawa sakin, so it means nasa 100 lahat yung gagawin namin kaya nag desisyon si Kent na di na kame tatanggap ng costumers hanggang 100 lang kami 9am -12am yung cut off namin at pinagbayad muna namin sila ng buo or down payment muna para may assurance na kukunin nila yung pinagawa nila.

"Syet! Matatapos kaya natin to hanggang mamayang 5pm?" Tanong ko kay Kent habang tinitignan yung mga list namin. 12:30 pm na

"Kaya yan. Mag start na tayo." Tumayo na si Kent para kunin yung mga materials nya kaya ganon din ginawa ko. Nag umpisa na kaming gawin yung mga dapat namin gawin.

"Busying-busy naman ang mga tropapips ko!" Napatingin ako sa nagsalita sa harap namin. Si Chase pala may bitbit pang hotdog sandwich ang loko, kasama niya si Seven at Thalia.

"Beech! I miss you! Kumain ka na ba?" Tanong ni Thalia. Tinignan ko naman yung wrist watch ko 1:40pm na pala halos isang oras na pala kaming busy nitong si Kent.

"Hindi pa eh may ginagawa pa kami." Napakamot na lang ako sa ulo ko sabay tingin kay Kent. Busy padin siya sa pag iisketch.

"Woi paps! Pakainin mo tong bespren ko wag mo gutumin!" Sabi ni Seven kay Kent. Pero wapakels lang ang lolo nyo.

"Kakain din kami maya maya sige na balik na kayo sa booth nyo." Nag smile ako sakanila para di halatang pinapalayas ko na sila kasi gusto ko na agad matapos to para makakain na ako.

"Kumain muna kayo bago nyo tapusin yan. Wag kayo papalipas sige na lalayas na kame. Babush!" Hinatak na ni Thalia si Chase and Seven paalis. Tumungin naman ako sa katapat naming booth kitang kita ko si Ivan na busy sa pag aasikaso sa mga customers nila.

"You hungry?" Napaigtad naman ako sa gulat kay Kent.

"Bat ba bigla-bigla kang nag sasalita nagugulat ako!" Suway ko sakanya.

"Tsss you drink too much caffeine again." Napapailing nyang sabi. Inirapan ko na lang.

"Che! Oo medyo gutom na ako." Nagpangalumbaba na lang ako sa lamesa naaamoy ko kasi yung niluluto nung ibang booth ang bango nakakagutom.

"Let's eat first bago tapusin to." Tumayo siya bigla tapos akmang aalis na siya ng hinawakan ko yung wrist niya syet! Parang kinuryente ako nung hinawakan ko siya napahinto naman sya. Sana di nya naramdaman yon!

"Saan ka punta?" Tanong ko. Napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa wrist nya kaya binitawan ko na. Kinabahan tuloy ako bigla.

"Bibili. Ano gusto mong kainin?" Deretcho sa matang tanong nya.

"A-ano ka-kahit ano." Pakshet bat nauutal pa ako king ina! Iniwas ko na yung mata ko sakanya.

"Okay. Stay here ako na bibili." Ramdam ko padin titig nya sakin bago siya tuluyang umalis. Saka ko lang siya tinignan ulit ng medyo malayo na siya sakin. Pukininam! Bat kase bigla na lang ganon yung naramdaman ko bwiset! Pinag patuloy ko na lang yung ginagawa ko maya-maya lang din bumalik na siya may bitbit na pagkain.

Sa may empty na table na lang kami kumain dun sa table na nakalagay yung mga paintings nya kanina pero wala na kasi nabili na, para daw hindi matapunan yung ginagawa namin.

"Wow ang sarap! San mo to binili?" Tanong ko habang nanguya pa.

"Tss don't talk while your mouth is full." Sinamaan pa ako ng tingin. Nilunok ko na yung nginunguya ko kaya tinanong ko ulit sakanya yung tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon