Chapter 4

14 2 0
                                    

KInabukasan mag-isa lang akong umalis. Ipinag pipilitan pa nga ni Tita Rea na samahan daw ako ni Kent mamasyal, syempre ako na mismo nag sabi na wag na at kaya ko namang mag-isa umalis at mamasyal buti nga napapayag ko sila eh. Ayoko din naman kasing kasama si Kent KJ yun eh baka di pa ako mag-enjoy.

"Manang magkano po dito?" Tanong ko sa nag titinda nung bracelet. Ang ganda kasi simple lang siya na may bids na iba't ibang kulay.

"Bente pesos lang ihja." Naka-ngiting sabi nung tindera.

"Bilhin ko na po itong tatlo." Tapos binayadan ko na siya. Tatlo binili ko para tag-iisa kaming girls na mag kakapatid.

Nandito pala ako ngayon sa Burnham Park, libo't-libo't lang, kung may magustuhan akong bilhin bibilhin ko. Katulad na lang nitong stuff toys na mickey mouse na nabili ko para kay Prince for sure magugustuhan niya 'to mahilig pa naman yon kay mickey mouse. Nag lalakad-lakad lang ako dito ngayon sa gilid ng lake, ang ganda dito kaya nag picture-picture din ako.

Nang mapagod ako kakalakad umupo muna ako sa mga benches na nandito tapos pinag masdan ko ang mga tao na nandito. Ang saya lang nila tignan mukhang nag-eenjoy din sila dito.

Halos mag gagabi na nung umuwi ako, masyado akong nawili sa pamamasyal at pamimili ng mga pasalubong. Nakita ko namang nandito sila Kent at Troy sa living room nanunuod ng spongebob.

"Ateee! You're here na pala." Bungad sakin ni Troy pag pasok ko ng bahay. Lumapit pa siya sakin kaya bumaba ako konti para ma-hug niya ako, may bitbit kasi akong mga paper bag sa magkabilaang kamay ko.

"Miss me agad Troy?" Natatawa-tawa kong tanong. Cute cute talaga nitong batang 'to.

"Of course ate hihihi." Pumunta ulit siya dun sa sofa saka umupo sa tabi ni Kent. Tinap niya yung upuan sa kaliwa niya habang naakatingin sakin "Ate sit here, nuod tayo spongebob."

"Sige later Troy bibihis muna ako." Nag smile ako sakanya. Nilingon ko naman 'tong si Kent, focus na focus yung mga mata niya sa pinapanuod parang 'di ako dumating. Well ano pa bang aasahan sakanya diba? Magulat ka na lang kung batiin ka niya. Umakyat na ako sa kwarto ko saka nag bihis ng pang bahay, inyos ko muna yung mga pinamili ko saka ako bumaba.

"Nasan sila Tita?" Tanong ko pagka-baba ko, ang tahimik kasi ng bahay tsaka di ko sila nakikita.

"Umalis sila ate, mamaya pa daw uuwi." Si Troy yung sumagot. Duuuh as I said earlier wala kang maaasahan jan kay Kent.

"Ganon ba." Sagot ko na lang saka pumuntang kusina. Nakita ko may nakatakip na ulam nandon tapos may kanin sa rice cooker, nagugutom pa naman na ako.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko dun sa dalawang nanunuod.

"Yeah, kain ka na lang jan ate." Si Troy ulit sumaagot.

"Sige." Kaya ayun kumain na ako. 

After ko kumain hinugasan ko muna yung pinag-kainan ko kahiya naman eh wala na kasing hugasan dito. Wala pa daw yung katulong nila dito sa bahay nasa bakasyon pa daw kaya si Tita ang nag luluto, nag lilinis at nag lalaba dito sa bahay nila. Pinuntahan ko yung dalawa don sa sala saka tumabi kay Troy.

Nung tumabi ako sakanya nagulat ako ng ginawa niyang unan yung lap ko tapos yung mga paa niya naakapatong naman sa lap ni Kent. Bali nakahiga na siya habang nanuuod ng spongebob.

"Baka naman inaantok ka na Troy, you better go to your room na." Sabi ko, baka kasi makatulog na 'to dito.

"I'm not sleepy ate." Paniniguro niya.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon