Chapter 3

16 2 0
                                    

Paalala ko lang bago niyo ituloy ang pag babasa baka abutin ng tatlo o apat na chapters ang flashback. Yun lang hihi enjoy reading!

- BizzleSiszler

-----------------------------

Sofia Kylie's POV

Nag alarm yung phone ko ng mga bandang 8am kaya bumangon na ako. Nakakahiya naman kung tanghali na ako babangon, naghilamos na ako at nag toothbrush saka bumaba. Nakita ko namang nasa dining area sila at nag mag sisimula pa lang mag almusal.

"Good morning Kylie, halika na dito mag almusal ka na." Sabi ni Tita Rea nang mapansin akong kadadating lang.

"Good morning po." Bati ko saka umupo sa tabi nitong si Kent na hindi 'man lang ako tinitignan. Feeling ko nga ang sungit nito eh hindi ako pinapansin napaka snob, kala mo naman kinagwapo niya yang pang iisnob, pero gwapo naman talaga siya 'di ko makakaila yon.


Nag breakfast kami ng sabay-sabay at puno na naman ng kwentuhan ang hapag kainan dahil kila tito at tita, syempre nakisali na din ako sa kwentuhan pati si Troy, etong Kent lang talaga ang KJ.

"Kent, may pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ni Tita kay Kent. Tinanguan lang naman niya si Tita.

"Saan ang lakad mo?" Tanong pa ni Tita sakanya.

"Studio." Tipid niyang sagot. Jusme hindi ba napapanis ang laway nito napaka tipid sumagot maski sa mama niya.

"With your friends?" Tanong ulit ni Tita.

"Yeah." Kent.

"Why don't you invite Kylie na sumama sayo mamaya? Hindi niya pa kabisado ang pasikot-sikot ng Baguio. Aalis kami ng Papa mo mamaya." Suggestion ni Tita kay Kent kaso mukhang hindi magandang suggestion ito kasi bigla na lang sumimangot ang mukha niya.


"No need na po Tita. May google maps naman po kaya for sure di ako maliligaw pag namasyal mamaya." Nakangiting sabi ko. Nahiya naman ako kay Kent eh, mukhang ayaw ako isama.


"No Kylie, sasamahan ka ni Kent. Mahirap na hindi natin masasabi may masasamang tao padin dito. Kent isama mo si Kylie later sayo." Seryosong sabi ni Tito kay Kent.


"Fine." Mukhang napilitan pa siya na pumayag. Tatanggi pa sana ako kaso hindi na ako pinatapos ni Tita magsalita sasama daw ako kay Kent mamaya umalis. No choice din ako, edi sasama na lang ako sakanya.

After breakfast nag ayos na ako kasi daw 10 am daw aalis si Kent. Nag suot lang ako ng makapal na sweater, jeans at vans shoes, tapos nilugay ko na lang ang buhok ko. Konting pulbo at perfume lang ready to go na ako.

Bumaba na ako at nakita ko don si Kent na as usual naka poker face lang.

"Ingat kayo Kylie. Kent yung mga binilin ko sayo, wag mong iiwan si Kylie, humanda ka talaga sakin pag may nangyaring masama sakanya." Pag babanta ni Tita Rea kay Kent.

"Psh. Yeah, see you later Ma." Tapos bumeso pa siya kay Tita. Aba eto na ata ang pinaka mahaba niyang sinabi simula kagabi.


"Let's go." Hindi siya nakatingin sakin pero alam kong sakin niya yun pinaparating.

"Bye Tita, see you later." Bumeso na din ako saka lumabas at sumunod na kay Kent.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon