Chapter 10

12 1 0
                                    


Sofia Kylie's POV

Nasa classroom na kami ngayon at ang mga kaklase ko parang mga tanga ayon inasar asar na kami ni Ivan hahahaha. 

"Yieee beech! Dream come true na ba itech? Si Ivan na long time crush mo nililigawan ka? Pumayag ka agad?" sinusundot sundot pa ni Thalia yung tagiliran ko.

"Beech duuuh! Mag papabebe pa ba ako? Yung matagal ko nang gusto may gusto din sakin aba grab the opportunity na te!" pabulong kong sabi sakanya at ang gaga ayun kilig na kilig. Katabi ko siya dito sa kanan ko wala pa kasi si Kent di pa napasok tsaka mukhang late yung teacher namin sa last subject namin.

"Sabagay, sana si Seven din umamin na sakin para kami na agad." humagikgik pa si tanga. Binatukan ko nga

"Kayo agad? Di pa pwedeng mag paligaw?" 

"Oo kami na agad dun din naman kami pupunta eh." inirapan ko na lang siya kaloka. Babaero pa naman yang si Seven naku po! Dumating na yung teacher namin halos magkasunod lang sila ni Kent. Tinignan ko si Kent pero hindi niya ako tinitignan, tahimik lang siya buong klase hanggang uwian.


"Ky, ihahatid na kita pauwi." offer ni Ivan, nandito kami ngayon sa parking lot ng school hinihintay si Kuya Edwin.

"Ivan no need na may mag susundo naman sakin eh." nginitian ko siya. Ayoko din mag pahatid sa bahay noh di pa ako ready sa mga itatanong ng mga tao sa bahay pag nakita si Ivan. Saka na pag kami na hahahahaha.

"Hayy okay fine sasamahan kita dito hanggat dumating yung driver nyo, akin na nga tong bag mo ako na mag dadala." pinipilit nyang kunin sakin yung bag ko pero ayaw kong bigay. Kaya ko namang bitbitin eh bat ko pa ipapabuhat.

"Nah, I'm fine kaya ko bitbitin bag ko. Tsaka ayokong mahirapan ka dala mo na nga yang bag mo pati yung akin bibitbitin mo pa." natawa na lang siya sa sinabi ko. After ng mga 5 minutes dumating na si Kuya Edwin.

"Andito na sundo ko, thank you ingat ka pauwi." I smiled.

"Thank you din Ky, ingat ka pauwi. Text kita kapag naka uwi na ako." then he hugged me. Kilig to the bones.

"Sige, una na ako." sumakay na ako sa kotse. Buti di na nagtanong to si kuya edwin kung sino yung yumakap sakin.


Pag uwi ko dumeretcho na ako sa kwarto ko nag palit ng pambahay. Nang may kumatok sa kwarto ko, nung binuksan ko na si Irah yung bumungad sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Hoy ate! Ikaw ha nililigawan ka na pala ni Ivan." nagulat ako sa sinabi nya.

"Ay shookt? Duuh! Iisang school lang tayo nag aaral, kalat na kalat na kaya yang balita sa buong campus." inirapan pa ako langya.

"Tsss, ano naman? Dun ka na nga." tinaboy ko na siya pero ayaw patinag.

"Just want to tell na hindi ako boto sa Ivan na yan." pataray niyang sabi.

"Oh bakit naman? Pogi niya kaya mabait pa tapos matalino." Proud kong sabi.

"May kulang sa description mo sakanya." seryoso niyang sabi

"Ano? Na para na siyang prince charming?" nginisihan ko siya. Totoo naman eh.

"Nope. Bababero yang Ivan na yan." then tinalikuran na niya ako sabay pasok sa kwarto niya.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon