Chapter 12

2 0 0
                                    

5am nag alarm na yung alarm clock ko. Kahit tamad na tamad akong bumangon kumilos na ako na alala ko sinabe ni Kent na papasok akong walang ligo jusko. Halos limang oras lang tulog ko antok padin ako habang naliligo, mabilisang ligo lang ginawa ko pagtapos magbihis bumaba na ako para mag breakfast buti maaga si manang nagising kaya nakapag luto na siya. Mga 6am naka ready na ako pati yung tables and chairs na dadalhin namin tsaka yung mga designs na ginawa namin kagabi ni Kent naka ready na din para ilalagay na lang sa kotse pagdating nya. Maya maya lang may bumusina na sa labas kaya lumabas na ako at andon na si Kent nag aabang.

"Wow ang aga ha. Mukhang ayaw talaga pumasok ng walang ligo." Ngising-ngisi na bungad ni Kent paglabas ko.

"Malamang siraulo ka ba. Ikaw kaya pumasok ng walang ligo kadiri!" Inirapan ko siya.

"Hahahahaha okay lang pogi padin ako pag ganon."

"Yak ka! Tara na nga ilagay na natin tong mga designs sa compartment." Tinawanan lang ako ng hangal. Inisa isa ko nang buhatin yung mga designs na ginawa namen. Binuksan naman ni Kent yung compartment ng kotse nya.

"Sakay na ako na dito sa natira." Sabi niya nung isang paper bag na lang natitirang ilalagay. Kaya sumunod naman ako dumeretcho ako sa passenger seat. Range Rover dala nya so means kanya to, siya mag dadrive. Maya maya lang din sumakay na siya sa driver's seat.

"Bat dala mo to? Di ka tinatamad mag drive today?" Takang tanong ko. Sabi nya kasi diba kahapon he's too lazy to drive daw hahahahaha

"Walang basagan ng trip ngayon." Poker face lang nyang sabi sabay paandar ng kotse papuntang school.

"K." Tipid kong sabe sabay sandal ng ulo ko sa may bintana at pikit ng mata. Antok pa ako yawa na yan.

"We're here sleepy head." Napaigtad ako nang may bumulong malapit sa tenga ko.

"Kelangan bumulong malapit sa tenga ko?!" Iritang tanong ko habang kinakalikot yung kaliwa kong tenga kung saan siya bumulong. Nakiliti ako don ha

"Tss." Tanging nasabi nya sabay labas ng kotse. Sumunod naman ako pinag tulungan namin bitbitin yung mga designs namin tapos babalikan na lang yung mga tables and chairs tapos dumeretcho na sa quad kung saan nakaset up na yung mga tent na magiging booth namin.

"Paps and Papsi pang number 20 yung tent nyo." Salubong na sabi ni Seven samin.

"Aga ahh! What time kang pumunta dito?" Tanong ko kay Seven, eh ang aga niya kasi tas mukhang busy na busy na siya, di na na magkanda ugaga hahahaha

"Kaninang 5am pa ako dito. Alam mo na gwapong presidente ako kaya sakin ibinilin ni Ma'am yung pag aasikaso nitong mga tent na gagamitin para sa Entrep Festival." May pagkindat-kindat pa si tanga.

"Let's go." Sabi ni Kent sakin nang hindi nililingon si Seven sabay deretcho nang nag lakad papunta sa tent namin. Yung mukha ni Seven parang sasapak na ng tao hahahahaha

"Gago ka talaga Ross!" sigaw ni Seven kay Kent na medyo malayo na samin.

"See you around Mr. President." natatawang sabi ko sabay lakad na din. Buti hindi na ako yung president hehehehe.

————————

Inayos agad namin ni Kent yung magiging ayos ng booth namin, may bandiritas na gawa sa mga magazines tapos may kurtina kaming white na inilagay sa palibot nung gilid ng tent namin, tapos yung mga tables namin na dala isinet up na namin sa magkabilang gilid ng tent namin sa loob dun namin ididisplay yung mga paintings and sketches na nagawa ni Kent pati din yung mga na-calligraphy ko na nakalagay sa frame. Tapos may table din kaming isenet up sa unahan ng tent namin na magsisilbing counter namin nilagyan namin yon ng table cloth tapos yung ibang designs namin na nagawa inilagay namin don para magmukhang nakakaenganyo tignan yung tent namin. Isinet up din namin yung isa sa mga easel ni Kent sa labas ng tent para sa parang menu namin, nakasulat na don yung mga prices at kung anong sizes ng canvas ang  mga pwede nilang iavail.

I Can't Live Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon