******
"Finally nakauwi din ang prinsesa ko, na miss kita ng sobra anak"
Bungad agad sa akin ng magaling kong ama.Parang akala mo eh! close na close talaga kami.
"Dad" medyo inis kong sabi pero hindi ako nagpahalata.
Humalik at yumakap nalang
ako sa kanya, ayaw kong sinasabihan nya kong prinsesa,
lalo pa't nasa likuran ko lang si Miss Tin.Pasa-pasalamat na din ako kasi
hindi baby yung sinabi nya, baka pagtawanan lang nila ako.Hello ako kaya ang pinaka matangkad sa kanila, tapos baby? sinong hindi matatawa don?
Hindi ko nga din akalain na
tatangkad ako ng ganito, nung bata
pa kasi ko parang hindi naman ako lumalaki, lagi naman akong umiinom ng gatas."Excuse me akyat lang ako sa
room ko"
Pag iwas ko pa sa dad ko, ni hindi ko na sila tinignan at deretcho akyat na ako.Iniwan 'ko sila sa sala, excited akong nagtungo sa room ko.
God i really miss my room...
Ni walang nagbago, fresh na fresh parin sa isip ko yung mga pangyayari nung kabataan ko.
After ng masaya at malungkot na pag reremenies sa childhood ko, nag tungo agad ako sa shower para mabawasan yung init na nararamdaman ko.
Nakaramdam ako ng ginhawa sa malamig na tubig na dumadaloy
sa buong katawan ko.Tshirt at short ang napili kong sootin, para maging komportable ako, medyo nag aadjust parin kasi ang katawan ko sa init dito sa pinas.
Ayaw ko sanang bumaba at mas gusto kong matulog na lang, kaso ang bastos ko naman yata kung hindi ako bababa, at isa pa medyo gutom na din ako.
"Iha anong first impression mo sa prinsesa ko?"
Tanong agad ni dad kay Miss Tin, ni hindi ko pa nga nailalapat
yung puwetan ko sa bangko.Pero sige lang paninindigan ko
na yung sungit sungitan ko. Kunwari ay hindi ako interesado
sa isasagot nya.Nag sandok agad ako ng kanin at ulam, sumubo at ngumuya na akala mo'y wala talaga akong pake.
Pero deep inside gustong-gusto
kong marinig yung isasagot nya.
"Ho ah! Eh! Maniac po"
Nauutal nyang sagot.Muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko, buti na lang maagap si yaya at nakapag salin agad ng tubig sa baso at inabot sakin.
"What?"
Halos sabay na tanong nung dalawa.
Ako naman ay nakatingin lang sa
kanya after kong makainom ng tubig.Nagpalipat-lipat sya ng tingin sa
aming tatlo, na para bang nag sasabi ng...
BINABASA MO ANG
Seducing Miss Tin (GxG Completed)
RomanceChristina Yoo-jung Half Korean Half Filipina. -Wala ng mahihiling pa si Tina sa fiancé nyang si Zeus, mayaman, mabait at mahal na mahal sya. Pero biglang nagbago ang pintig ng puso nya ng makilala at makasama sa iisang bahay ang kapatid nitong si...