Chapter Four

23.8K 649 73
                                    

******

"Hon ok ka lang?"
Sabi nya sabay tapik ng mahina
sa balikat ko.

Nagtataka akong napatingin sa
kanya, nakakunot ang noo nya pero mababakas parin sa mukha ang angkin nitong
ka gwapuhan.

"Hon natatandaan mo pa ba yung kinukuwento ko sayo dati? Yung batang cute na lagi kong kasama
sa park."
Excited kong tanong dito.

Naaalala ko kasi nung mga bata pa kami na lagi ko yong binabanggit
sa kanya, at alam din nyang lagi
akong nag hihintay sa pagbabalik
ni Lexa.

Kunot ang noo at iling lang yung sinagot nya sa tanong kong 'yon.

"Hindi mo talaga matandaan hon? wala kang idea na si Alex na sister
mo at si Lexa na kinukuwento ko
ay iisa pala?"

Nakaawang ang bibig at kunot
na kunot parin ang noo nya. Nakangiti naman ako habang hinihintay ko
ang isasagot nya.

"You mean? si Alex at si Lexa ay
iisa?"

Tango lang ako ng tango, habang
sya ay hindi parin makapaniwala yung expression ng mukha nya.

"So---sorry hon wala talaga
akong idea, hindi ko naman kasi
alam na nakikipag usap si Alex sa labas, bilin kasi sa kanya ni mommy noong nabubuhay pa,
na wag na wag lalabas ng bahay, kaya wala talaga akong idea na si Alex pala yung kinukwento mo sakin dati."

Bakas parin sa mukha nya ang lungkot. Kaya wala akong nagawa kundi umuo na lang.

"Ok lang hon, tsaka matagal
na din yon, ako lang talaga itong hindi makalimot sa kanya, ang saya ko ngayon hon, hindi talaga ako makapaniwala na nakita ko na ulit sya."

"Ok lang hon, i understand,
i know na masaya ka, kitang-kita
'yon sa ningning ng mga mata mo, hindi mo nga namalayan na narito
na tayo sa tapat ng bahay nyo."

Seryoso nyang sabi, pero alam mong may halong pagbibiro.
Hindi ko talaga namalayan na nandito na kami sa bahay.

Imagine, nasa biyahe pala kami, pero hindi ko namalayan...
lutang na lutang  pala ako sa
buong biyahe namin.

"Ikaw talaga hon, sorry na pls, masaya lang talaga ako ngayon,
na miss ko ang batang yon,
diba sinabi ko na sayo na puro problema ako nung kabataan ko, kaya nga lagi akong nag pupunta
sa park, kapag nakakausap ko si Lexa gumagaan ang pakiramdam ko."

"I know hon, kaya nga hindi
ako makapaniwala na yung kinukuwento mong bata noon eh! yung spoiled brat sister ko pala."

Nakangiti nyang sabi pero may napansin akong lungkot sa tono
ng boses nya o guni-guni ko lang yon.

"Sige na hon pasok kana sa loob medyo late na rin ."

"Sure ka na hindi kana papasok?" Nag aalala kong tanong pero binuksan ko na ng bahagya
yung pinto ng kotse nya.

"Hindi na hon, marami pa kaming pag uusapan ni Alex."
Nakangiti nyang sabi.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon