Chapter Twelve

17.6K 579 93
                                    

******

"Oh ate bakit mukhang biyernes
santo yang mukha mo."

Bungad agad sakin ng kapatid kong
si Levy, pagkapasok na pagkapasok
ko palang sa loob ng bahay.

"Wag ngayon bunso mainit ang
ulo ko."

Dere-deretcho akong pumasok sa
loob ng kwarto ko at hindi ko na hinintay o nilingon man lang si
Lexa.

Naiinis ako sa kanya.

Nagpaalam na naman ako kay Zeus
at nakita ko din na parang gusto
pa nilang mag-usap magkapatid.

Kaya iniwan ko na sila sa labas ng
gate, tutal ayaw naman pumasok ni Zeus at late na din daw.

Sinabi ko na lang na mauuna na
akong umakyat dahil sumama
bigla ang pakiramdam ko.

Pero ang totoo nyan ay hindi ko
din alam kung bakit ako nag kakaganito, na kahit ako sa sarili
ko ay nag tataka.

Masaya pa nga kami kanina habang namamasyal sa EK, kumain pa kami
sa Jollibee at nag susubuan pa nga.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

"Oh my"

Bigla akong napatakip sa sarili kong bibig nung sinabi ng sarili kong konsensya na baka...

Selos yan te...

Para akong timang na nakikipag talo
sa sarili ko, hindi ko kasi matanggap
yung sinabi nya.

Bakit naman ako mag seselos?

Lakad ako ng lakad sa loob ng kwarto ko, kasi feeling ko may mali sakin.

Iniisip ko yung posible pang dahilan kung bakit ako nag iba agad ng mood.

Pero kahit na anong gawin kong
pag iisip, yung eksena lang kanina
sa resto ang naaalala ko.

Yung pagkuha ng number ni
Rebecca, yung pag aya nyang maki
pag date kay Lexa,

At paghalik ni Lexa sa pisnge nya
ang paulit-ulit na nagpapakulo
sa dugo ko.

I really hate this feeling grrr.

Biglang bumukas ang pinto ng
kwarto at iniluwa don ang babaeng kinaiinisan ko.

Masaya itong nakikipag-usap sa
phone nya, na ewan ko ba kung
sino yung kausap nya.

"Tomorrow night mga around 7
ok bye, takecare babe."

Nahulaan ko na kung sino yung tinatawag nyang babe, walang iba kundi si Rebecca na maputi lang
ang mukha kaya naging maganda.

"Oh babe, i mean miss Tin ok ka
lang?

Nagkamali pa talaga ng tawag
sakin ang gaga, pero feeling ko
mas masarap pakinggan kung
babe din ang tawag nya sakin.

"Ano bang na fefeel mo Miss Tin,
you said kanina na your not feeling well. Sabihin mo sakin kung anong masakit sayo? para makuha 'ko
agad yung gamot na pwede mong inumin."

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon