Chapter Twenty

18.1K 506 58
                                    

******

"Kung magpapakamatay ka, wag ka ng mandamay ng
ibang tao, bwiset!"

Puro pasensya lang ang lumalabas
sa bibig ni Step habang nakikipag
usap sa galit na galit na driver.

Nagkaroon naman ako ng pagkaka
taon para mapuntahan si Miss Tin
sa gitna ng kalsada.

Inakay ko sya patabi para hindi na
maulit ulit yun nangyari kanina, naiiyak akong niyakap sya.

Pero parang wala lang sa kanya ang lahat, parang ok lang sa kanya kung nasagasaan ba sya o hindi.

Wala man lang kasi kong nakikitang takot na bumakas sa maganda nyang mukha.

Pero ako hanggang ngayon sobra
parin yung kabang nararamdaman
ko.

Akala ko talaga kanina mawawala
na sya ng tuluyan sa amin.

Mabuti na lang talaga at mabilis na
natapakan nung driver yung preno
nya.

Kundi baka tumilapon talaga sya.

Dinig na dinig pa namin yung
pagmumura nung driver bago nya
kami tuluyang iniwan.

Hindi na lang namin pinansin or sinabayan man lang yung galit nya, para wala ng maging problema.

Kasalanan din naman namin.

"Christina."

Naiiyak na sambit ni Step sa
pangalan ng kaibigan, buong puso
nya itong niyakap.

Wala akong makapang tamang salita na pwede kong sabihin sa kanya.

Hindi sya umiiyak, ni hindi din nagsasalita.

Tahimik lang itong nakatingin sa kawalan.

Only god know's kung ano ba yung tumatakbo sa isipan nya ngayon.

"Alex tulungan mo akong maiuwi natin sya sa bahay ko."

Sumang ayon na lang ako sa kanya, mas mabuti na rin na dun na muna
sya para makapagpahinga.

Tamang-tama namang may dumating
na taxi, pinara agad 'yon ni Step at sinabi ang address nya.

Habang nasa biyahe kaming tatlo nagkakatinginan na lang kami ni
Step.

Pinapakiramdaman namin si
Miss Tin na kasalukuyang nasa
gitna namin.

Nakarating kami sa apartment nya
ng hindi parin nagsasalita si
Miss Tin.

May pailan-ilang kapitbahay na napapatingin sa amin bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Siguro'y nagtataka kung bakit may babaeng nakasoot ng wedding gown pero wala namang kasamang groom.

Shit...

Dahil 'don bumalik na naman yung galit ko kay Zeus.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon