Christina Yoo-jung Half Korean Half Filipina.
-Wala ng mahihiling pa si Tina sa fiancé nyang si Zeus, mayaman, mabait at
mahal na mahal sya.
Pero biglang nagbago ang pintig ng puso nya ng makilala at makasama sa iisang bahay ang kapatid nitong si...
"Babe akala ko ba nag mo-move on kana eh bakit ka pumayag na pumunta sa bridal party? at sinama mo pa talaga ko dyan sa pagkamasokista mo ha. My god babe masakit na nga dito sa heart ko kapag sya na lang ang lagi nating topic tapos heto kana naman."
Alam ko kahit na hindi ko makita ang mukha ni Rebecca napapataas- taas pa ang kilay nito habang nagsasalita.
May tama naman kasi sya, Sa tuwing magkikita kami wala kaming ibang pinag-uusapan kundi si Miss Tin.
Kahit kapag kausap ko sya sa phone hindi nawawala sa topic namin yung masasayang nangyari samin kahit sandali lang 'yon.
Napangiti ako, kasi kahit na saglit ko pa lang nakakasama si Rebecca naging super close ko na talaga sya.
Sya yung naging instant panyo ko kapag umiiyak ako. Sure akong sobrang ma-mimiss ko sya kapag nakabalik na ko sa London.
"Babe grabe ka sakin, diba sinabi ko na naman sayo na nag momove- on na ko kahit na hindi naman naging kami. 2 days na lang kasal na sila ni Zeus at magiging kapatid ko na din sya, saka kailangan kong pumunta 'don kapatid ako ni Zeus, magtataka yung mga friends ni Miss Tin kung hindi ako pupunta. And gusto ko lang e-correct yung sinabi mo kanina babe, si Miss Tin ang nagsabing imbitahan kita, kaya wag na wag mo kong pag bibintangan dyan na gagawin lang kitang rebound 'don dahil alam mong hindi 'yon totoo."
Hindi yata 'ko humihinga habang sinasabi ko 'yon sa kanya, kasi gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi naman talaga 'yon ang intensyon ko.
Kung maaari lang talaga iniiwasan ko na ring magkasama man lang kami ni Miss Tin para narin sa kabutihan naming dalawa.
Nabigla din naman ako sa tawag nya kanina. Ang akala ko kasi hindi sya in sa mga ganong party.
Narinig ko na kasing tumanggi na sya sa alok ni Step, kahit nga si Zeus hindi din nag organize ng bachelors party sa kadahilanang busy din halos lahat ng kaibigan nya.
Nahikayat din pala sya ni Step. Silang dalawa ni Erica ang nag organize,last na pagsasama-sama na daw nila bilang isang single ni Miss Tin.
Wala naman daw mga boy's na lalabas sa big box at sasayaw ng sexy dance kung 'yon ang iniisip nya.
All girls lang, konting inuman at may palaro para naman daw may konting saya.
Kaya napapayag na rin si Miss Tin. Mag soot lang daw kami ng simpleng damit.
At kung maaari nga daw naka shorts lang para mas komportable kumilos, yung tipong parang pajamas party lang ang peg.
Sinundo ko si Rebecca sa bahay nya para sabay na kaming pupunta sa address na binigay ni Step.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.