******
"Christina Yoo-jung oh my god
ikaw nga ba yan?"Napatigil ako sa pakikipag-usap
sa mga kaibigan ko at agad akong tumingin sa babaeng nakatayo
ngayon sa harapan namin.Nakangiti itong nagpapalipat-lipat
ng tinging sa mga kasama ko tapos binalik ulit ang tingin sakin.Pinasadahan nya ko ng tingin mula
ulo hanggang paa, tapos balik ulit
ang mata nya sa mukha ko.Medyo naiilang ako sa paraan
nya ng pagkakatingin na 'yon, at pakiramdam ko nag ba-blush ako
ng bonggang-bongga ngayon."A-ako nga, ok naman ako i-ikaw kamusta?"
Sinagot ko na lang sya para hindi
sya mapahiya, pero pilit kong ina-
alala sa isipan ko kung sino nga ba
sya.Pero hindi ko talaga sya maalala..
"Seriously, You didn't kno----"
"Ehem Miss sino kaba hindi ka
nga kilala diba? So back off."Sadyang pinutol ni Rebecca yung sasabihin pa talaga nung babae.
Yung babae naman halatang na
gulat at nagtataka sa inasal na
'yon ni Rebecca.Lumapit pa talaga kasi sya sakin
tapos hinawakan nya yung kamay
ko na para bang sinasabi nyang...Off limits lahat ng mga babae
sakin.Simula ng umalis si Lexa ganyan na talaga sya pagdating sakin, at feeling
ko over protective din sya.Naging super close na rin sya samin nila at Step at Erica at lagi syang nasa
tabi ko kahit hindi ko sya kailangan.Nakikitulog rin kami kung minsan
sa condo nya, pero mas lamang pa yung gamit ni Lexa 'don.May mga picture frame kasi si Lexa
nakadisplay, tapos yung mga damit
na pang bahay na pinapasoot nya
sakin lahat kay Lexa.Pero yung binibigay naman nya
kina Step at Erica iba, medyo na wirdohan lang ako sa mga kinikilos
nya 'non.Pero nung nakilala ko na sya ng lubusan naging panatag narin ang
loob ko sa kanya.Sya kasi yung klase ng kaibigan na kapag malungkot ang atmosphere.
Gagawa at gagawa sya ng paraan
para sumaya 'yon.Hindi ka talaga nya titigilan hanggat hindi ka nya napapangiti, Hindi ka naman makakatanggi sa charm nya kasi obviouly marami sya 'non.
Unti-unti rin akong nakapag move-
on sa nangyari samin ni Zeus at
buong puso ko na 'yong tinanggap
sa sarili ko.Hindi ko na rin masyadong na mi-
miss si Lexa, kasi sa mga kaibigan
ko palang solve na solve na ko.Masaya na kong sa youtube ko na
lang sya napapanood kapag may
mga event ang Victoria.Sobra akong naging happy sa mga narating nya kahit baguhan palang
sya sa larangang pinili nya.Minsan din sumasagi sa isip ko na kung hindi siguro sya umalis ano
na kayang status namin ngayon?

BINABASA MO ANG
Seducing Miss Tin (GxG Completed)
RomanceChristina Yoo-jung Half Korean Half Filipina. -Wala ng mahihiling pa si Tina sa fiancé nyang si Zeus, mayaman, mabait at mahal na mahal sya. Pero biglang nagbago ang pintig ng puso nya ng makilala at makasama sa iisang bahay ang kapatid nitong si...