Chapter Nine

18.2K 595 53
                                    

******

Katakot takot na explanation ang sinabi ko kay Zeus para lang wag
syang mag tampo samin ni Lexa.

Totoo naman kasi na nakalimutan
ko syang tawagan o itxt man lang,
para ipaalam sa kanya yung mga flowers na napili ko sa wedding
namin.

Nung nakapag settle na kami ni
Step sa flowers at nakapili na din ng gagamiting layout para sa invitation card.

Excited na excited na akong umuwi para makausap ko kahit man lang sa phone si Zeus, pero nung nakita ko
si Lexa na tahimik na nakamasid sa
park.

Biglang bumalik sa akin yung mga alaala ko nung masaya pa kaming
nag lalaro sa swing.

Nung una akala ko mahihirapan
akong pakainin sya ng mga pagkain
na hindi naman nya nakasanayang kainin pero nagkamali ako.

Kasi wala syang kaarte-arte sa
katawan na kinain yung ihaw ihaw
na kahit na si Zeus na boyfriend ko hindi ko napilit na kumain non.

Iba iba naman kasi ang tao...

Lalo akong napahanga sa kanya
nung bigyan nya ng ice cream yung mga bata, hindi mo din mababakas
sa mukha nya na nandidiri sya sa
mga 'yon.

Lalo tuloy akong napahanga sa kanya, mayaman na, mabait pa.

"Hon nag enjoy ka bang kasama
si Alex?"

Bigla akong napatingin sa kanya,
para kasing nababasa nya yung tumatakbo sa isip ko ngayon.

Solo lang namin ang sala, umakyat
na si Lexa sa kwarto, samantalang
yung mga kasama ko naman dito sa bahay ay hindi ko alam kung saan
nag punta.

"Of course hon, nag enjoy ako sa bonding namin, na miss ko yung
sister mo."

"Mukha ngang nag enjoy ka, nakalimutan mo ako bigla."

Bakas parin sa boses nya yung pagtatampo. Kaya humarap ako
sa kanya habang nakatingin ako
sa mga mata nya.

"Ayaw mo ba hon na nag bobonding kami ng sister mo? Ayaw mo ba na maging close kami? Ilang months
na lang magiging kapatid ko na din sya, gusto ko pa syang makilala hon, hindi ka ba natutuwa don?"

Hindi ko alam kung para saan yung nakikita kong expression sa mukha
nya pagkatapos kong sabihin yon,
pero sa nakikita ko sigurado akong hindi sya masaya.

"I love you."

Yun na lang ang sinabi ko, hinalikan
ko din sya sa labi, after ko sabihin
ang mga katagang yon, para na din mawala na yung tampo nya sakin.

"You do?" Ganting tanong din nya sakin.

Napikon ako sa tanong nyang yon,
pero pinakalma ko na lang ang sarili ko, ayaw ko kasing humaba pa ito.

"Of course hon, kaya nga mag papakasal ako sayo diba? Bakit
nag sesecond thoughts ka ba?"

"Wa-wala hon, i believe you, hindi
mo lang alam kung gaano kita kamahal, yung happiness mo ang priority ko, you know that diba?"

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon