Chapter 5

14 0 0
                                    

Chapter 5

Mikaella's POV

Iba talaga kapag nasa malayong probinsya ka.

Napakalaki talaga ng pagkakaiba. Katulad na lng ng difference sa time.

Excited pa naman ako sa ideang mag-sh-shopping kami ngayon kaya inagahan ko talaga ang gising. We were here at exactly 8 o'clock pero ano ang naabutan namin?

Mga saradong establishimento.

Kung sa Manila, marahil sa mga ganitong oras e buhol buhol na ang daloy ng trapiko pero tignan nyo naman dito oh! Mukhang hindi pa gumigising ang mga manok na gigising sa mga mamamayan dito.

"What now? Magtititigan na lang ba tayo dito??" magkasalubong ang kilay na tanong ko. Badtrip naman kasi e. Ang aga-aga palpak agad plano namin.

"I think there's an open bakeshoppe there." he said and pointed the open bakeshoppe 20 meters away located at the left side of the mall. Tatawid ka pa ng kalsada.

"Lets take a sip of coffee. What do you think? Instead of wondering around, kumain na lang muna tayo."

I stare at him. Bakit ba ang cool ng taong 'to? Halos magdikit na nga ang kilay ko sa sobrang badtrip but look at him. Ni hindi man lang tinubuan ng inis.

"What?? Do I really look like Adonis? Kung makatitig ka sakin parang gusto mo 'kong---"

"Ano? Gustong ano?" putol ko sa sinasabi nya. Duh. Mayabang rin sya minsan eh.

"Nothing. Just forget it. Halika na nga." umakbay sya sakin at inakay ako patungo sa bakeshoppe.

"Paano mo na me-maintain ang coolness mo?" I asked while walking. Kailangan ko pang tumingala to see his face.

"Uhmmm, lets just say... Na-me-maintain ko ang coolness ko gaya ng pag maintain ko sa kagwapuhan ko. For short, it was inborn."

"Bwaaaack." I act like I want to puke. I rolled my eyes. "Yuck.. Eh yang pagiging mahangin mo? Kailan titila yan? Ang laki rin ng ulo mo ano?"

"Hahaha. Im just stating a fact. Totoo naman diba?"

"Hmmmm, gutom ka na no? Nag-ha-hallucinate ka na Kuya. Halika. Kain na lang tayo." I said and step inside the bakeshoppe. Nag-order lang kami ng tig isang cup ng coffee at pandesal.

"Anong plano natin for today?" I asked.

"Ayun. We'll shop clothes, personal things, mag-go-grocery na rin siguro tayo para by tomorrow, kapag nakapaghanap agad tayo ng apartment na ma rerentahan, may supplies na tayo. You should list on your mind the things na kakailanganin natin. Ikaw ang babae. Dapat mas marami kang alam pagdating sa mga ganitong bagay."

"Huh? Anong connect ng pagiging babae ko sa mga ganitong bagay? Im a lady. Not a maid. Malaki ang pagkakaiba nun." nakasimangot kong sabi at isinawsaw ang pandesal sa kape bago kinain. Badtrip. Mukha ba akong katulong? Mas lalo akong nabadtrip nung marinig ko ang nakakarindi niyang tawa.

"Now, your giving me  idea of what kind of person you are."

"Wow may telepathy ka? Galing. Sige nga hulaan mo." I sarcastically said.

"You are a spoiled little brat. Hindi ka familiar sa mga house hold chores. You seems to get all you want in just a click of your hand. Tama ba 'ko Bata?"

Sa sobrang inis ko itinapon ko sa mukha niya ang pandesal na hawak ko. "Sige! Tawagin mo pa ulit akong bata. Iiwan kitang mag-isa dito."

"Go on. Its fine with me."

Tatayo na sana ako pero bigla rin akong natigilan.

0o nga pala. Hehe. Siya nga pala ang ATM card ko.

That Stranger Inside the BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon