Chapter 4
Mikaella's POV
"Hey, wake up. Wake up kid, ano ba?"
Naalimpungatan ako sa mahimbing na pagtulog nang maramdaman ko ang pagyugyog ng kama.
"Five minutes." I said at itinalukbong ang kumot sa buong katawan ko.
"Ganyan ka ba talaga matulog? Batugan. Gumising ka na nga dyan."
"Yaya naman. Im still sleepy." nag-iinat na sabi ko at tinatamad na naupo sa kama.
"Yaya naman Im still sleepy." I heard someone mimic my words. The vioce was not familiar. Kaya napamulat ako ng mga mata.
"Kyaaaaaaaaaaaa! SINO KAH? Magnanakaw! Magnanak----" I shouted but he stopped me. Bigla siyang tumalon sa kama at tinakpan ang bibig ko. Pero nasobrahan ata ang force nya sa pagtalon. Napabalik ako sa pagkakahiga and Oh Em Gees! He was on top of me!
Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang ako sa kanya and after some seconds, pumasok rin sa utak ko ang current situation ko at na-realize kung sino itong Gwapong magnanakaw na pinagbibintangan ko. We stay on that position for some seconds. Kung hindi pa ako nagsalita, malamang na magtititigan lang kami magdamag.
He hurriedly stood up. Inayos niya ang sando nya na medyo tumaas.
"Renz?" I utter his name. Parang hindi pa ako sigurado kung siya talaga yun. Nasanay ata ang mata ko na ang Gwapong Renz na naka long sleeve na polo ang nakikita. Now, he was just wearing a simple black sando and a denim short na hanggang tuhod. Pero kahit ganoon lang ang suot niya, kahit itapat pa sya sa model ng penshoppe suot ang pinakamagarang damit, siguradong mag i-stand out pa rin siya.
"Its already four in the afternoon. I bought you some clothes while you were still sleeping." he glance at the paper bags na nasa kama. "Naisip ko, baka gusto mo ng magpalit?"
"Thank you." I said at binalingan ang mga paper bags. Bigla kasi akong nailang sa paraan ng pagkakatitig niya.
"You can use the bathroom. Lalabas muna ako to buy some snacks. Alam ko nagugutom ka na." he said at lumabas na ng room.
Napangiti ako. I never expect a person like him could be so caring sa isang taong kakikilala nya pa lang.
God is really good.
Hindi niya ako hinayaang mapahamak kahit na sinuway ko ang mga magulang ko and worst, lumayas pa ako.
Siguradong hinahanap na nila ako ngayon. Im sure my mom was crying at this very moment. Sya pa naman yung tipo ng Ina na mawala lang sa paningin ang anak siguradong babaha na ng luha sa buong mother earth. Daig nya pa ang taong naghahanap ng singko sentimo sa gitna ng malalim at malawak na dagat.
I sighed. Kailangan kong panindigan ito kung hindi good bye freedom ako. Mahirap kayang mag-asawa. Based on my observation, kung ikaw ang ilaw ng tahanan, kailangan mong gumising ng maaga just like my mom did every morning she wakes up para lang masiguro na masarap at masustansya ang kinakain namin sa umagahan. Kapag natali na ako sa kasal, hindi na ako makakapag night life at mas lalong Hindi na ako pwedeng magka-crush. Oh em gees! Kailangan ko talagang panindigan 'to.
I got the paper bags at tinignan ang laman niyon. I felt my cheeks burn when I saw the clothes inside the paper bag. May mga undies kasi doon. Amfufu. Kinuha ko iyon at tinignang maigi. It was perfectly fit with my .... ah basta. Kahit hindi ko na sya suutin I know kasyang kasya yun sakin.
Syet. I wonder how he knew my size. Kung nakikita nyo lang kung gano kapula ang mukha ko, iisipin nyong nagbilad ako ng isang Buwan sa araw.
Bumangon na ako ng kama. Nagtaka pa ako kung bakit parang masakit ang paa ko nung inihakbang ko. Then I remember, Oo nga pala, natapilok ako kahapon. Kahapon o kaninang madaling araw? Ah basta. Good thing at nabawasan na ang pamamaga.

BINABASA MO ANG
That Stranger Inside the Bus
Novela JuvenilWhat will you do if you knew on the same date of your 18th Birthday that you were already engaged to the person that you didn't even know he was existing and didn't even know his name? Papayag ka na lang ba and just go with the flow ? O Gagaya ka...