Chapter 3

9 0 0
                                    

Chapter 3

Mikaella's POV

"Be honest. Seriously, how old are you?" for the nth times 10 to the sixillion power, he asked again. Sumubo sya ng fries before he lean his back on the back rest of the chair and cross his arms and looked at me intently.

Ngayong nasa maliwanag na lugar kami, mas lalo kong namamasdan ang gwapo niyang mukha. And take note. Hindi lang basta gwapo. Ang GWAPO-GWOPO-GWAPO! Oh times 3 yan ha! Hindi sa nag-e-exaggerate ako pero, ganun talaga sya kaGWAPO.

Pero kahit na. Nakakairita pa rin siya.

"Ikaw ba ilang taon ka na? Daig mo pa ang lolo ko sa pagkamalimutin. My alzheimer's disease ka ba?"

He chuckled again. "I just can't believe you are eighteen. You really look like some sixteen years old teenager."

"Heh. Ikaw 'tong parang bata at ang kulit kulit magtanong eh. By the way Kuya, anong pangalan mo?" I asked. Andami dami na kasi naming napag-usapan pero hindi ko man lang naitanong pangalan nya.

"Im E--Renz. My name is Renz."

"Renz." ulit ko sa pangalan niya. "By the way Im Mik---" napalunok ako sandali. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ang totoo kong pangalan. Pero sa huli, I decided to lie. "Im Kim." mas mabuti na iyon. Hindi rin naman ako magtatagal kasama siya. Atsaka, its just a white lie. My whole name is Mikaella Kim Ramirez. Hindi na iyon masama. "Yan. We officially known each other Kuya."

"No, dont call me Kuya. Kung totoo ngang EIGHTEEN years old ka." he said and emphasized the word 'eighteen'. "Wag mo na 'kong tawaging kuya. Just call me Renz. Tatlong taon lang naman ang tanda ko sa edad mo eh."

"Ganoon ba? Akala ko kasi twenty years ang tanda mo sakin. Kung tratuhin mo kong bata?" itinirik ko ang mga mata ko.

"Sa paraan ng pagsasalita mo, parang gusto ko ng maniwala na eighteen years old ka talaga."

"Duh, seriously, hindi ka pa rin naniniwala?!" frustrated kong sabi.

He just laughed at nagpatuloy sa pagkain.

"By the way, matanong nga kita, bakit ganyan ang suot mo? Birthday mo ba kahapon at nung hindi dumating yung last dance mo e, umandar ang tantraums mo at nagwalk-out ka?" tatawa-tawa niyang tanong.

Tinapunan ko sya ng fries. "Alam mo? Hindi ka na nakakatuwa. Bakit ikaw? Bakit ganyang ang suot mo? Saang restaurant ka rumaket at nakapang-waiter ka?" pang-uuyam ko sa kanya.

"If I would be a waiter, I will be the most handsome waiter for that matter."

"Whoooooo!!" I exaggeratedly said. Yung parang nakakain ako ng maanghang na maanghang na maanghang na pagkain at napabuga ng hangin?  "Ang hangin! Grabeeeeee!"

Medyo napalakas yata ang pagkasabi ko kasi nagsilingunan LAHAT, as in LAHAT ng kumakain doon maging ang janitor at yung mga staff sa counter.

I bowed my head to say sorry. Parang yung ginagawa ng mga Koreano?

Si Renz naman naaaliw na tumawa ng malakas even though nasa amin na ang atensyon ng marami.

Hello? Paanong hindi kami pagtitinginan? Sa suot pa lang namin hindi malayong isipin ng maraming tao na dito namin sa Jabee ginaganap ang aming reception. Duh. That was cheap.

Gosh, ang weird na nga ng mga suot namin, may weird pa akong kasama. This is soooooooooooooooo embarassing. Mabuti na lang at wala ako sa Manila. Walang mga matang mapagmasid ang mag-ki-critisize sa bawat galaw ko o sa bawat taong kasama ko. The good thing na meron ako ngayon is the fact that I have FREEDOM in this place.

"O kaya naman, tinakasan mo ang bride mo." dagdag ko na ikinahinto niya sa pagtawa. "Ano? Natahimik ka ngayon? Siguro tama ako 'no? Tinakasan mo ang mapapangasawa mo no? Ang sama mo. Siguradong umiiyak na yun ngayon." pang-aasar ko sa kanya habang nginunguya yung fries. Yes. May laman ang bibig ko habang nagsasalita. Isa ito sa mga freedom na gusto ko. Kung nasa bahay siguro ako, hinding-hindi ko magagawa ito.

I looked at him kasi mukha siyang natahimik. Kapagkuwan, ngumisi siya. "Lets say, Ganoon na nga."

Naibuga ko tuloy ang laman ng bibig ko.

"Seriously?!" nanlalaki ang mga matang pagkukumpirma ko. I was just kidding when I said that. Yung suot nya kasi eh. Maliban sa mukha siyang waiter, mukha rin siyang frustrated groom.

"O? Ikaw naman 'tong ayaw maniwala." may ngiti sa labing sabi nya.

Hindi talaga ako makapaniwala. Sa tindig at pananalita nya kasi, parang siya yung taong may paninindigan at hindi tumatakas sa responsibilidad. Hindi siya yung gwapo na sa isang tingin malalaman mo na agad na maraming babaeng tinatakasan o pinapaiyak.

"Bakit?" I asked curiously.

"Let's just say, ayoko pang magpatali. Tsk. I don't want to talk about it okay? Anyways, kung ayaw mo pa talagang umuwi, lets just stay somewhere. Sa pinakamalapit na inn na lang siguro. Im tired. Gusto ko ng magpahinga." he said obviously changing the topic. Sinimulan na niyang ubusin ang mga pagkain na inorder niya.

We ate in silence. Yan. Tsismosa kasi. Nagalit pa tuloy si Ku---este si Renz.

Mayamaya napaisip ako.

Come to think of it. Parang pareho ang kinakaharap naming sitwasyon. Ayoko rin kasing makasal muna. Haller? Kaka-eighteen ko pa lang kaya. Tapos bigla-bigla ikakasal na ako? Duh. Ang masaklap pa doon, ni wala man lang akong ka-ide-idea kung sinong pontio pilato ang magiging groom-to-be ko. Malay ko ba kung 40 years old na yun? O di kaya naman, mataba? Pangit? Uhugin? Disabled? Retarded? Drug addict? Eh di instant sakit sa ulo non.

Biglang nagring ang phone ni Renz na nakapatong sa table. He check the caller at nung mabasa ang pangalan sa screen, he canceled it and off his phone.

Mukhang hinahanap na sya ng bride-wannabee niya.

"Tapos ka na? Can we go?"

Uminom muna ako ng cokefloat for the last time bago ako tumango.

(Pabili po ng VOTE!

Haha.

Thanks for continouosly reading my story.)

That Stranger Inside the BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon