Charter 2
Mikaella's POV
"Miss. Mister. Gumising na po kayo. Nasa last destination na po tayo ng bus. Sir, Miss, gising na po."
"Five minutes yaya." I mumbled at tinapi ang kamay niyang yumuyugyog sa balikat ko.
Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong tawanan.
I slowly open my eyes and, "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! SINO KA? SINO KAYO?! Yaya! Yaya! There's a stranger in my room! Mommy! Daddy!" I panicked upon seeing their strange faces. Anong ginagawa ng mga taong 'to sa kwarto ko?
The guy laughed maging yung lalaking katabi ko sa upuan na mukhang nagising sa lakas ng tili ko at yung driver ng bus na sinasakyan namin.
DRIVER NG BUS?!!!!
WHERE THE HELL I AM?
Parang bigla akong natauhan. Luminga-linga ako sa paligid. I was inside a bus. Katabi ko ang isang lalaki. Tinampal-tampal ko ang magkabila kong pisngi para magising sa bangungot na ito pero hindi eh. THIS IS REALLY HAPPENING!!
"Last trip na po 'to Miss, at Sir." sabi ng konduktor at binalingan ang taong nasa tabi ko. "Pabalik na po kami ng Maynila."
"Sorry po manong sige bababa na po." I already stood up para lumabas ng bus pero tinawag nya ulit ako.
"Teka lang Miss. Hindi ka pa nagbabayad."
"H-ha?"
I suddenly remember the scene between me and the taxi driver.
"Ahh, E-ehh manong wala po akong pera eh."
"Ano?! Hindi pu-pwede yan Miss. Sasakay-sakay ka ng bus, wala ka naman palang pambayad. Pambihirang buhay naman 'to----" Napahinto sa pagsasalita si Manong nung bigla siyang inabutan nung lalaking katabi ko kanina ng five hundred bucks and said "Keep the change." bago sya lumabas ng bus.
Dali-dali rin akong lumabas ng bus para pasalamatan siya. Halos magkandarapa pa ako sa pagsunod sa kanya. Ambilis nya kasing maglakad.
"Ahmmm, ano." hindi ko alam ang sasabihin habang sumasabay sa mabilis niyang paglalakad. "T-thank you nga pala sa pagbayad ng pamasahe ko."
"You're welcome." tipid niyang sagot. Ni hindi man lang ako nilingon.
Gwapo sana pero mukhang masungit.
Sumabay lang ako sa kanya sa paglalakad. Since hindi naman siya tumitingin sa akin, I grab that opportunity para pagmasdan siya. He's wearing a slacks, black shoes and a white long sleeve polo. Nakasabit naman sa balikat niya ang black tuxedo. Para siyang respetadong businessman. Saan kaya 'to pupunta? May meeting?
'Pupunta?? Sa ganitong oras?' I asked myself. When I lift my head up nakita kong papasikat pa lang ang araw. 'Ahhh malamang pauwi na ito sa kanila.' nasabi ko na lang sa sarili habang sumusunod pa rin sa lalaking nagbayad ng pamasahe ko.
Napapansin kong parang nililingon kami ng mga taong nakaupo sa waiting area. Bakit kaya? Ahh siguro si Kuya lang. Matangkad kasi sya. Maputi at artistahin ang dating. Sa ganitong malayong probinsya hindi malayong pagkamalan nga siyang artista.
"Ouch!" I didn't see the stone na nakakalat sa sahig. Kung hindi ako nasalo ng makikisig na brasong iyon, malamang nakalips to lips ko na ang malamig na semento.
"Are you alright?" tanong ni Kuya.
Tumango ako. The moment na binitawan niya ako, bigla akong nabuwal sa sahig.
Hindi ako makatayo!
"Aray, na-sprain ata ang paa ko."
I heard him groan in irritation.
![](https://img.wattpad.com/cover/12454416-288-k288932.jpg)
BINABASA MO ANG
That Stranger Inside the Bus
Fiksi RemajaWhat will you do if you knew on the same date of your 18th Birthday that you were already engaged to the person that you didn't even know he was existing and didn't even know his name? Papayag ka na lang ba and just go with the flow ? O Gagaya ka...