violet;-
Tic toc tic toc tic toc tic toc
Nakatitig lang ako sa orasan ng sala at tanging ang ingay lang nung paggalaw nun ang naririnig 'ko.
"Hey, V."
Tumingin ako sa taong bumati sa'kin.
Napangiti na lang ako ng makita kung sino 'yun. Kakababa niya lang ng hagdanan at papalapit na siya sa'kin kaya agad-agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko sa sofa nila.
Nang makalapit na siya sa'kin ay niyakap ko siya. "I love you, hubby." Pagbabanggit ko ng endearment ko sa kanya.
Hinawakan niya ang balikat ko kaya inalis ko ang kamay ko sa likod niya at hinawakan ang tagiliran niya para tingnan siya.
Nginitian niya ako. "Halika na?" Tanong niya bago ako akbayan.
Tinanguan ko lang siya.
Pumunta kami sa garahe ng bahay nila para kunin 'yung sasakyan niya at pumasok na ng eskuwela.
Pagkakita na pagkakita pa lang namin sa sasakyan niya ay dumiretso siya ng driver's seat. Naghintay lang ako sa labas ng passenger's seat, nagbabakasaling pagbubuksan niya ako ng pintuan pero ilang segundo na ang nakalipas ay nasilip ko siya sa bintana na nagsuot na siya ng seatbelt kaya hindi na ako nagpatumpit-tupit pa't binuksan ko na ang pintuan ng passenger's seat. Umupo ako ng maayos at nilagay ang bag ko sa gilid ng upuan tiyaka ako nag-seatbelt.
"Okay ka na?"
Tinanguan ko lang ulit siya.
Agad niyang ini-start ang makina at minaneho ito papunta sa school.
Habang nagmamaneho siya'y nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinititigan ang mga magagandang lugar na nadadaanan namin.
I'm not the type of person to just stare and stare at things. Kadalasan ay dumadaldal pa ako at kung hindi mo pa ako papatigilin magsalita ay 'di pa ako mananahimik. Hindi kasi ako sanay sa katahimikan.
Napatingin ako kay Hoseok na nagmamaneho at nakita ko siyang nakatingin sa'kin pero agad din naman siyang tumingin sa harap para makita niya 'yung daan.
Nakarating kami ng school na hindi man lang nagkikibuang dalawa. Hanggang sa i-parada niya 'yung sasakyan niya't sa wakas ay pinagbuksan niya rin ako ng pinto, siya pa nga nag alis ng seatbelt ko eh at hindi lang 'yun, siya rin mismo ang nagsuot sa'kin ng bag ko.
"Thanks." Pagpapasalamat ko sa kanya nang maisuot ko na ng tuluyan ang bag ko.
Tatalikuran ko na sana siya at maglalakad na papunta sa loob ng school nang tawagin niya ang pangalan ko.
"V, are you okay?" Tiningnan ko lang siya. "Kanina ka pa kasi tahimik."
Kahit si Hoseok ay hindi sanay na tahimik ako.
"Okay lang ako." I smiled at him.
I wish.
Hindi naman kasi talaga ako okay. Nakakapanibago na kasi 'yung mga kinikilos ni Hoseok ngayon. Parang ipinaparamdam niya sa'kin na bagot na bagot na siyang kasama ako kaya medyo nawawalan na rin ako ng gana sa kanya.
"Una na ako." Pagpapaalam ko sa kanya.
Tinanguan niya lang ako.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob ng school building.
I expected na tatawagin niya ako at sasabihing ihahatid niya ako pauwi mamaya o kung 'di naman ay baka hahabulin niya ako't tatanungin niya kung may problema ba ako pero wala ni isa sa mga inaakala ko ang nangyare.
Bumuntong hininga ulit ako.
Nasanay na kasi akong hinahabol-habol niya at natutuwa ako sa tuwing sinusuyo niya ako sa tuwing nagpapa-hard to get ako. Siguro nagsasawa na siya.
Signs na ba 'to? Mga signs na nagsasabing malapit-lapit ng mag-end itong relationship namin? Well, pwede rin naman. Mahigit isang taon na rin naman kasi kami.
Umiling ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganun dahil baka magkatotoo. Siguro ay nago-over react lang ako. Paminsan minsan din naman itong nangyayare sa mga relationships eh at ang pagkakaalam ko'y normal lang 'yon.
Sana nga.
Sa 'di malamang dahilan ay bigla na lang ako nakabangga ng isang lalaki. Natumba siya't ako naman ay medyo na-out of balance pero hindi ako natumba kaya naman tumingin lang ako sa kanya. Nang malaman ko kung anong nangyare ay agad ko siyang tinulungang makatayo.
"Kaya ko." Pinigilan niya akong hawakan siya at tulungan siya kaya pinabayaan ko na lang siya.
"Sorry." Pagpapaumanhin ko.
Nang makatayo na siya ay tiningnan ko siya at ganun din naman ang ginawa niya sa'kin.
Para akong nilulunod ng mga tingin niya. Parang hini-hypnotize ako na titigan lang iyon. Ewan. Nakakapagtaka kasi na bakit ko ba tinititigan 'yung mga mata niya eh wala naman akong makitang emotion dito ultimo ang facial expression niya ay poker face. Blankong-blanko.
I'm just staring at him nang mapansin kong umangat ng konti 'yung mga labi niya na nag-form ng isang ngisi.
Oh my god.
Umiwas kaagad ako ng tingin. Ngumisi lang siya pero alam ko na kaagad ang iniisip niya. He thinks I'm attracted to him! No way! May boyfriend na ako at kahit magkabali-baliktad pa ang mundo hinding-hindi ako magkakagusto sa mga katulad niya. For pete's sake, he's a nerd! N-E-R-D! NERD! Halata naman sa itsura niya. 'Yung buhok niya parang bunot, 'yung polo niya ang luwag-luwag. Paano ko nalaman? Kasi 'yung sleeves ng uniform niya lagpas pa yata sa siko niya pati na rin 'yung laylayan ng uniform niya above the knee niya pa yata at tiyaka 'yung pants niya abot na 'yung talampakan niya. He's so lame and so out of fashion. Gosh! Ipa-ayos ko kaya siya sa designer ko?
Umiling siya bago ako talikuran.
Bastos!
Pagkatapos ko siyang tingnan at i-observe tatalikuran niya lang ako?! Aba! Kung tutuusin dapat maging thankful pa siya kasi AKO lang naman ang tumingin sa kanya. AKO! Ang isang Violet lang naman! Hindi niya ba alam na marami ng tao ang magagawa pang pumatay para lamang sa sulyap ko?! Tapos siya iirapan niya lang ako at tatalikuran?! Unbelievable!
Pumunta na kaagad ako ng classroom at napagpasiyahang kalimutan ko na lang 'yung lalaki kanina. Hindi ko na rin naman siguro siya mapapansin sa susunod kasi para naman siyang isang nobody. Ang layo kaya ng famous sa isang nobody at isa pa malaki-laki kasi rin 'tong campus.
Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay binati ako ng mga kaibigan ko kahit 'yung mga classmates at schoolmates koㅡ na mostly ay hindi ko naman kakilalaㅡ ay binati rin ako. Nagkuwentuhan kami saglit pero halos wala akong naintindihan sa kinukwento nila dahil hindi rin naman ako nakikinig. Maya-mayang konti ay dumating na ang teacher namin kaya bumalik na ang lahat sa mga upuan nila.
Natapos ang klase namin na wala man lang akong naintindihan. That boy is hunting me! Hindi ko alam eh. Parang nakakaramdam ako ng guilt at curiousity. Ayoko 'yung feeling na may isang taong hindi pumapansin sa'kin at binabalewala lang ako. May mga tao rin naman sa school na hindi ako pinapansin pero ramdam ko na nahihiya lang sila at ayoko namang ako ang unang papansin sa kanila kasi magmumukha lang 'yung cheap. But that guy? Ramdam na ramdam ko na ayaw niya sa'kin at hindi ako makakapayag dun.
—;—
BINABASA MO ANG
i think i'm falling。 [k.th] ✔
Short Story𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙 ❝No matter what happens, you have to catch me when I fall.❞ →#636 in short story;; 170506 © 𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃𝙔𝙊𝙊𝙉𝙂𝙔𝙐