special chapter prt 2

18 2 2
                                    

special chapter prt 2;—
violet;—

"Uy, Taehyung! Umayos ka nga! Para kang ewan diyan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" Saway ko sa kanya.

Dinala niya kasi ako sa amusement park. Magde-date daw kami edi kinilig naman si ako tapos nakasakay kami ngayon sa carousel. Nakasakay ako sa carriage tapos siya sa kabayo. Medyo nahihilo na nga ako kasi nakaka-ilang ulit na kaming nakasakay dito eh pa-ikot ikot lang naman 'to tapos ayaw niya pang sumakay sa ibang rides.

Kahit na kanina pa kami nandito tuwang-tuwa pa rin siya. Humihiyaw pa siya habang pinapaikot 'yung coat niya na tinanggal niya kanina.

"Wala akong pake! Wooh!" Hiyaw niya pa habang niyuyugyog 'yung kabayong sinasakyan niya.

Napa-iling na lang ako. Hindi ko alam kung saan sasakit 'yung ulo ko, sa carousel ba o kay Taehyung.

Napangiti na lang ako bigla sa naisip ko. Dati halos mamatay na ako sa talas ng mga tingin niya 'pag tinititigan niya ako tapos akala ko rin dati hindi siya marunong ngumiti pero tingnan mo siya ngayon, tuwang-tuwa na siyang nakasakay sa carousel at kung makahiyaw siya parang hindi mga bata 'yung kasabayan namin sa ride.

Nang maka-ilang ulit pa kami sa carousel ay napag-pasiyahan ko ng ako na ang umiwan sa kanya kaya wala rin siyang naging ibang choice kundi sundan ako. Aba'y anong plano niya? Forever siya dun kahit wala naman talagang forever? Tsk.

Nakaka-bitter talaga ang valentines day lalong-lalo na 'pag sa mismong araw ka pa na 'yun nawalan ng lablayp. Ang saklap. Tapos makikita mo 'yung mga mag-jowa na naglalandian sa tabi-tabi. I-shave ko lahat ng buhok nila sa katawan.

"PDA niyo!" Nai-sigaw ko na lang bigla.

Pinagtinginan naman ako nung mga taong nadaanan ko kaya yumuko na lang ako at naglakad na palayo sa kanila. Nakakahiya.

Habang naglalakad ako ay may isang kamay na mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasang hindi mag-tayuan 'yung mga balahibo ko. Siguro sa lamig na rin kasi mag-gagabi na.

"Nanigas ka diyan? Kinikilig ka, noh?" Mapang-asar na tanong ni Taehyung nang hindi man lang nakatingin sa'kin.

"N-nilalamig ako." I stuttered.

"Eh ang init-init ng palad mo." Kinuha niya 'yung kamay kong hawak niya at hinaplos-haplos ito.

Ang manyak naman ng mga galawan nito ni Taehyung. 'Di ko malaman kung romantic na ba 'yun para sa kanya o pinagsasamantalahan na ako.

Tinanggal ko 'yung kamay kong hawak niya sabay turo dun sa ride na parang roller coaster pero slide siya tapos may tubig. 'Di ko alam tawag dun eh tiyaka sira-sira na rin 'yung mga letrang parang pangalan nung ride na 'yun na nakapaskil lang sa tapat kaya 'di ko masyadong mabasa.

"Dun tayo!" Turo ko dun sa ride na 'yun habang tumatakbo papalapit dun sa pila.

"Mababasa pa tayo diyan baka magkasakit pa tayo." Sabi ni Taehyung nang makapila siya sa likod ko.

"Oks lang 'yan. Bumili na lang tayo ng damit mamaya. Mas maganda na nga 'yun para kahit papaano may dahilan na tayo para mapalitan 'tong damit natin. Valentines pero naka-black tayo. Napaghahalataang bitter tayo."

"Saan tayo magbibihis?" Tanong niya.

"Edi sa CR!" Sagot ko sa kanya.

"Sabay tayo?"

Napatingin ako sa kanya. "Gago."

—;—

"Sinabi ko na kasi sa'yo na 'wag na tayong sumakay doon. Basang-basa tuloy tayo ngayon." Paalala ni Taehyung sa'kin habang pinupunasan 'yung mukha ko ng tissue na baon niya pa.

i think i'm falling。 [k.th] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon