37 7 4
                                    

violet;-

Tumingin ako sa alarm clock ko.

5:30 am

Hinihintay ko na lang mag-alarm 'to kasi 6:00 am pa naka-set ang alarm ko tutal 7:00 am pa naman ako pumapasok sa school at ang start ng klase namin ay 8:00 am pa.

Hindi naman talaga ako nakatulog pero sa totoo lang antok na antok na ako. Sa tuwing ipipikit ko 'yung mata ko'y nakikita ko 'yung lalaki at nakatitig siya sa'kin ng masama, well, naka-poker face siya pero 'yung mata niya lumiliyab sa galit. Ultimo yata kumurap ay hindi ko magawa.

ㅠ.ㅠ

Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko naman siya pinakitaan ng masamang asal but why is he showing up to me like he's some kind of an evil demon?! Siya ba si kamatayan? Sinusundo niya na ba ako?! Hindi pa ako ready. Mangungumpisal na nga ako bukas at magpapakatotoo ako na pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko. Hihingi rin ako ng paumanhin na pinanganak akong isang diyosa samantalang may mga taong mukhang hampaslupa.

Pinikit ko ang aking mga mata.

Nakakita ako ng isang lalaki na matangkad, nakatalikod siya sa'kin. Sinusubukan ko siyang tawagin kaso hindi ko nga alam ang pangalan niya at kahit ano mang itawag ko sa kanya ay hindi niya pinapansin at tila hindi niya naririnig kaya hinabol ko na lang siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin na blanko ang exspresyon ng mukha at maya-maya'y ngumisi siya sa'kinㅡ

"AAAARRRRRGGGGHHHHHH!!!" Sinabunutan ko ang aking sarili.

Binuka ko ang aking mga mata. Kulang na nga lang ay dukutin ko ang mga ito. Ina-antok na ako pero alam kong 'pag pinikit ko ang aking mga mata ay makakatulog kaagad ako at baka bangungutin pa 'ko kaya sinampal ko ang sarili ko.

Sampal sa kanan.

Sampal sa kaliwa.

"Ma'am Violet?!"

Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bigla itong katukin at kalampagin. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at magsilag-lagan ang mga katulog sa lapag.

Tinitigan ko lang sila at ang isang katulong naman ay sumenyas sa kanila na lumabas na.

Isang bukod tanging katulong ang lumapit sa'kin at nginitian ako. Siya lang ang pinaka kakaiba sa mga kasamahan niyang katulong dahil siya ay naka-pink na uniporme samantalang ang mga kasamahan niya ay naka-puti at asul na uniporme.

 Siya lang ang pinaka kakaiba sa mga kasamahan niyang katulong dahil siya ay naka-pink na uniporme samantalang ang mga kasamahan niya ay naka-puti at asul na uniporme

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
i think i'm falling。 [k.th] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon