violet;-
"Ganyan ka ba talaga ka-desperada?"Napatingin ako sa kanya nang bigla ko siyang marinig na magsalita.
"Excuse me? Hindi ako desperada." Inirapan ko siya bago ako tumalikod sa kanya at maglakad palayo.
Weekend ngayon at tuwing weekends dalawa lang naman ang naiisip kong pag-tambayan, ang mall o dito sa park, pwede rin naman sa bahay pero mas gusto ko dito sa park.
Ang pinagkaibahan lang ngayon ay kadalasan 'pag pupunta ako rito si Hoseok lagi ang kasama ko pero ngayon, ako lang dapat talaga mag-isa kaso kanina nakakita ako ng lalaking pumipitas ng bulaklak sa mga damuhan kahit na may nakapaskil doon na 'BAWAL PITASIN ANG MGA BULAKLAK DITO!!!' tapos nahuli siya ng guard kaya nilapitan ko kaagad sila.
"Boy, hindi mo ba nakikita 'yung nakapaskil doon o sadyang nagbu-bulag bulagan ka lang?" Tanong ni manong guard doon sa lalaki.
Hinawakan ko 'yung balikat ni manong guard nang makalapit ako sa kanila. "Kuya, pag-pasensiyahan mo na po 'tong kapatid ko." Pagpapaumanhin ko.
Napatingin naman sa'kin 'yung lalaki pati na rin si manong guard kaya tinanggal ko 'yung kamay ko na nakapatong sa balikat ni manong guard.
"Kapatid mo 'yan?" Turo ni manong guard sa lalaki.
"O-opo." Tango ko kahit na hindi ko naman talaga kapatid 'tong lalaking 'to. "Ako na po 'yung humihingi ng tawad sa ginawa niya kasi po may," Inikot ko ng pabilog 'yung daliri ko sa tapat ng tenga ko. "Ano po siya. 'Lam niyo na? Tiyaka 'di rin po kasi siya naturuan ng mga magulang kong mag-basa ng maayos kaya ayan po."
"Osige. Paki-paliwanag na lang sa kanya 'yung ginawa niya tiyaka sabihin mo na rin na 'wag niya ng uulitin 'yun." Paliwanag ni manong guard.
"Salamat po. Sorry po ulit."
Tumingin si manong guard dun sa lalaki tapos nag-thumbs up siya sa kanya.
Napatawa na lang ako nung umalis na si manong guard.
"Tss." Umiling muna siya bago maglakad palayo sa'kin.
"Oy! Taehyung!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo papalapit sa kanya.
"Kuya, isa nga po." Tinuro ni Taehyung 'yung cotton candy doon sa tindero.
"Ako rin po! Dalawa." Nginitian ko 'yung tindero habang gumagawa siya ng cotton candy tapos inabot ko 'yung bayad ko sa kanya.
Pinanood lang namin kung paano ginawa 'yung cotton candy at nung natapos ito ay agad din itong binigay sa'min tapos umalis na kami.
Pareho kaming nakatanggap ni Taehyung ng violet na cotton candy kay kuya.
[A/N: Oh tapos? Feeling mo soulmates na kayo? Na meant to be na kaagad kayo?]
Tumigil si Taehyung sa paglalakad niya. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong niya habang nakatalikod siya sa'kin.
Napakunot ang noo ko. Sino ba kausap nito?
BINABASA MO ANG
i think i'm falling。 [k.th] ✔
Historia Corta𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙 ❝No matter what happens, you have to catch me when I fall.❞ →#636 in short story;; 170506 © 𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃𝙔𝙊𝙊𝙉𝙂𝙔𝙐