violet;-
"Whatever." Tinaas niya ang kanan niyang kamay at kinaway ito.
Huminga muna ako ng malalim bago siya habulin.
Hinila ko 'yung bag niya na nakasabit lang sa balikat niya, hindi ko naman sinasadya na makuha ko talaga 'yung bag niya kasi siya naman talaga 'yung hinihila ko pero dahil hawak ko na rin 'yung bag niya edi maganda.
Tumakbo ako papunta dun sa dulo na lamesa na pinag-pwestuhan niya kanina.
"Hey! Give it back!" Sigaw niya bago ako habulin.
Huminto ako saglit sa pagtakbo at humarap sa kanya para belatan siya. Mukha namang effective 'yung pang-aasar ko sa kanya kasi lukot na lukot na 'yung mukha niya sa inis.
"Habulin mo ako!~" I sang.
Habang tumatakbo ako pa-ikot sa loob ng library ay may biglang humila ng pulso ko at kinuha 'yung bag na yakap-yakap ko, dahilan ng pagkaka-out of balance ko.
Parang tumigil ang oras at nag-slow motion ang lahat habang papalapit na ng papalapit 'yung mukha ko sa makintab na sahig ng library, hanggang sa nakita ko ang taong humila sa'kin kanina na tumakbo papalapit sa'kin. Pinikit ko ang aking mga mata, nagbabakasakaling sasaluhin niya ako sa kanyang mga bisig at bububatin na para bang kakagaling lang namin sa isang kasalan o na para akong isang prinsesa na nahulog galing langit kaso . . .
BLAG! -tunog ng mukha kong sumubsob sa sahig.
Sira-ulong 'yun! Pinapaniwala ko na masyado ang sarili ko na siya na ang prince charming ko, that he's my knight in shining kaldero este armour. Ang panget palang masyado kang nage-expect. Kadalasan kasi 'pag parehong malalaglag ang sandata at ang prinsesa ay automatic na prinsesa na kaagad ang sasagipin o ililigtas ng ating mahiwagang prinsipe pero kung ikukumpara kasi ang lalaking kaharap ko ngayon, na nakikipag labing-labing sa bag niya, sa mga karaniwang prinsipe na nakikita natin sa mga fairytales ay siya 'yung tipong uunahin ang sandata at papabayaan na lang ang prinsesa, na pwede niyang makasama panghabambuhay, mamatay dahil umasa itong masasagip siya ng kanyang prinsipe.
[A/N: Iba naman kasi ang nangyari sa'yo, hindi ka nag-expect kundi nag-assume. 'Yan ang napapala ng mga feelingerang katulad mo!]
Inangat ko ng konti ang mukha ko para tingnan siya.
'Yun siya, kung makahaplos sa bag niya akala mo 'yung bag pa niya 'yung nagalusan samantalang ito ako ngayon, ngudngod na ngudngod ang aking precious feslak sa shining shimmering splendid na floor.
Sinubukan kong alisin 'yung kanan kong kamay sa pagkakadagan sa katawan ko. Hindi ko alam na grabe pala ang bigat ko. Naka-ilang toneladang kanin ba ako kanina? Hindi ko na mabilang. Sarap kasi ng ulam, fried porkchop. Yum~
Nang maalis ko na ang kamay ko ay dahan-dahan ko itong inilapit sa kanya at hinawakan ko na lang bigla 'yung binti niya.
Nakita kong nagulat siya at napatitig sa'kin kaya inilag-lag ko ang aking buhok at kinalat ko sa mukha ko.
"Huy! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Angal niya. Ginalaw-galaw niya 'yung paa niyang hawak ko at imbis na bitawan ko ito ay isinama ko na rin 'yung kaliwa kong kamay para hawakan ito at higpitan ang pagkakahawak ko rito.
Napangiti na lang ako ng malademonyo habang natatakpan ng buhok ko 'yung mukha ko.
"Sa tingin mo makakatakas ka na lang ng ganun ganun?" Pang-ala horror movie kong bulong habang sinusubukan niyang alisin 'yung kamay kong nakahawak sa paa niya. "Come with me, my precious!"
BINABASA MO ANG
i think i'm falling。 [k.th] ✔
Truyện Ngắn𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙 ❝No matter what happens, you have to catch me when I fall.❞ →#636 in short story;; 170506 © 𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃𝙔𝙊𝙊𝙉𝙂𝙔𝙐