violet;-
"Violet?"
"Po?" Sagot ko.
Nasa clinic ako ngayon. At kung minamalas nga naman talaga ako eh nagmistulang caregiver pa yata ako ng lalaking nakalatay este nakahiga sa kama ng clinic ngayon.
Nagtaka 'yung nurse sa una kung bakit ang laki daw nung blackeye ni Taehyung at siyempre nagpaliwanag ako, sinabi ko 'yung totoo na sinuntok ko siya pero iniba ko ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yun. Ang katwiran ko ay mag-isa lang akong naglalakad sa hallways, which is true, tapos may bigla na lang humawak sa balikat ko at dahil sa takot ko kuno ay sinuntok ko siya kasi malay ko ba kung may masamang tao pa lang sumusunod sa'kin. Dahil ka-close ko na rin 'yung nurse dito ay naniwala kaagad siya sa'kin. Pinaki-usapan ko na rin siya na kung pwede ay 'wag ng ipagsabi sa principal pero ang sabi lang niya, si Taehyung na raw ang bahala kung pwede ko pang maipag-patuloy ang pag-aaral ko rito at ang fame ko o mamamaalam na ako sa mga schoolmates ko kaya kahit labag sa kalooban kong asikasuhin siya ay pinagtitiisan ko na lang. Kailangan kong makipag-plastikan sa kanya at ipakitang deserve ko ang kanyang forgivenessㅡ kahit na siya naman dapat ang humingi ng tawad sa'kin.
"Okay lang ba kung iwanan ko muna kayo rito? Hindi pa kasi ako kumakain." Paliwanag ni Miss Nurse.
Inabot na kami ng dismissal dito at hanggang ngayon tulog pa rin si Taehyung na kinareer na yata ang pagiging isang sleeping beauty. Hindi ko nga malaman 'tong lalaking 'to kung nagtutulog-tulugan ba o na comatose na kasi parang masyado na yatang OA kung mahigit walong oras na siyang tulog. Pabor naman sa'kin 'yun na hindi ako naka-attend sa mga klase ko at excuse ako ng dahil sa kanya pero hindi ko na kayang manatili pa rito magdamag para lang samahan at bantayan 'tong taong 'to.
"Okay lang po." Pilit akong ngumiti.
Wala rin naman akong choice.
The nurse smiled at me before leaving the clinic.
Bumuntong hininga muna ako bago umupo sa upuan na nasa gilid ng kama niya. "Sana 'di ko na lang pina-iral ang pagiging friendly ko." Tumingin ako sa kanya. "Maybe this will serve as a lesson to me, na hindi lahat ng tao kailangan pag-effortan ko maging kaibigan ko lang. Pagkagising mo, siguro magkukunwari na lang akong hindi kita kilala. Nadala na rin ako sa mga sinabi mo kaya 'di na ako aasa na makakasundo pa kita."
"Buti naman."
Nagulat ako ng bigla ko siyang marinig magsalita.
"Kanina ka pa ba gising?" Nilapit ko ang upuan ko sa kanya.
"Mmm." He mumbled. Oo yata ang sabi niya. "Nasubaybayan ko lahat ng nangyare pati 'yung pag-aasikaso mo sa'kin. Hindi lang ako makadilat kasi ang sakit ng mata ko tiyaka ang sarap kaya sa feeling na pinagsisilbihan ako kaya nagkunwari akong tulog pero sa totoo lang, ang sakit na ng likod ko." Nakapikit niyang sabi. Medyo inangat niya ng konti 'yung likod niya at iniba 'yung pwesto ng pagkakahiga niya kaya nakatalikod na siya sa'kin ngayon.
"Hindi man lang ako naka-attend ni isa sa mga subjects ko tapos kanina ka pa pala gising habang nagpapa-alaga!" Reklamo ko.
"Psh. 'Wag ka ngang umarte na parang gustong-gusto mong mag-aral." Pagtataray niya. Itong taong 'to nagka-blackeye na nga't lahat nakuha pa rin magtaray. "Pwede ka naman ng lumabas ngayon at iwan ako rito. Hindi na kita kailangan."
BINABASA MO ANG
i think i'm falling。 [k.th] ✔
Historia Corta𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚𝙙 ❝No matter what happens, you have to catch me when I fall.❞ →#636 in short story;; 170506 © 𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃𝙔𝙊𝙊𝙉𝙂𝙔𝙐