special chapter prt 1

14 2 2
                                    

special chapter prt 1
violet;—


Nothing lasts forever. Lahat may katapusan.

Araw ng mga puso ngayon pero para sa'kin ito ang araw ng mga pusong sugatan. Puso kong sugatan.

Bakit ngayon pa? Kung kelan okay na ang lahat. Kung kelan nakapagdesisyon na ako. Kung kelan may nararamdaman na ako para sa kanya tiyaka naman siya nawala, tiyaka naman niya ako iniwan.

Nang sabihin ni Hoseok sa'kin kanina na nakikipag-hiwalay siya kahit masakit at labag sa kalooban ko pumayag ako kasi alam kong mas makakabuti 'yun para sa'min, para sa kanya, para hindi na rin siya mahirapan at para hindi na rin ako mas masaktan pa.

Pero 'yung nararamdaman ko ngayon? Mas masakit pa sa lahat ng mga sakit na naramdaman ko.

Mas matinding sakit nung iniwan ako ni Mommy para sa pera.

Ang malaman mo pa lang na namatay 'yung taong importante sa'yo ay masakit na, paano pa kaya kung nasaksihan mo pa 'yung pagkamatay niya o kaya naman ikaw mismo ang dahilan kung bakit pinili niyang magpakamatay na lang?

Tumawag kaagad ako ng ambulansiya kasi wala ng katao-tao rito. Ang totoo niyan nag-trespass lang talaga ako rito sa school para makaakyat dito sa rooftop at makipagkita sa kanya na ikinadidismaya ko naman ngayon.

Maaga kasi ang dismissal namin ngayon dahil nga valentines day tiyaka hindi rin naman ako pumasok sa mga klase ko kasi alam kong wala naman kami masyadong gagawin.

Kung hintayin ko na lang kaya na dumating 'yung ambulansiya? Hindi ako handa na makita siya sa baba na duguan at . . . ewan.

Ayokong imagine-in kung anong itsura niya roon. Hindi ako handang tanggapin ang katotohanan na wala na talaga siya.

Pero dahil nga sa ayoko namang pagsisihan na hindi ko siya masusulyapan kahit na iba na ang itsura niya ay bumaba pa rin ako at umasang baka buhay pa siya.

Malay natin pagbaba ko makita ko na naman siyang naka-poker face o kaya naman nakangiti sa akin at sasabihing, "Okay lang ako.", pero alam ko namang malabong mangyari 'yun. Sa tingin niyo ba mabubuhay pa ang taong nalalaglag sa building simula 8th floor? Malamang gutay-gutay na ang katawan nun sa baba.

"T-taehyung?" Iyak ko nang makababa na ako. "Wrong timing ka naman lagi. Noong dumating ka sa buhay ko at nung nakilala kita pati na rin ngayon na wala ka na. Lagi na lang akong hindi handa sa mga pinag-gagawa mo." Umupo ako sa tabi ng basurahan at sinandal ang ulo ko sa pader. Another tear fell from my eye.

"Bwisit ka talaga. Wala ka ng ginagawang matino para sa ikauunlad ng mundo. Lagi mo na lang sinasaktan 'yung damdamin ko. Ang selfish mo, hayop ka! 'Pag tayo talaga nagkita sa langit o kaya sa impyerno titirisin ko 'yang tigyawat mo hanggang sa mawalan ka ng dugo at mag-nana 'yan ng maramdaman mo kung gaano kasakit 'yung ginagawa mo sa'kin! Tandaan mo 'yan! Hindi ko papalampasin 'tong ginawa mo sa'kin, Kim Taehyung! Taehyungina mo!" Hagulgol ko.

*Thug!*

Napalingon agad ako sa gilid ko nang makarinig ako ng parang tunog ng kahoy na bumagsak.

Tumayo ako at kinuha ang takip ng basurahan para gawing pangharang sa'kin kung sakaling terorista man 'yun na may dalang baril at balak sakupin ang aming paaralan. Pwede ko rin namang ipanghampas 'yung takip ng basurahan kung pangit na lalaki ang makikita ko.

i think i'm falling。 [k.th] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon