KYUNGSOO'S POV
Pumunta na ako sa available seat. Sa tabi ng isang nakakatakot na lalaki. Nakakatakot siya ah. Ang dami niyang kung ano ano sa mukha. Tapos yung buhok niya color red lahat. Kaya pinaupo ko nalang si Cess sa tabi ng barkada ko. Paano ko nalaman pangalan niya? Secret ko na yun. Hahahhaa. Malalaman niyo sa tamang panahon. Kilala ko yung mga katabi ni Cess dun. At halatang nageenjoy siya sa company nila. Tawa nga siya ng tawa ee.
"IKAW?!" Biglang nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong nagising ata ni Cess ang isa sa barkada ko. Hala. Away na ito. Pero teka nga lang, magkakilala sila? Bat sila magkakilala? Bat niya kilala ang Cold Prince na si Tao? Ewan. Ang weird niya pero masaya parin siyang kasama. Magulo ba? Ay basta! Madami kaseng sikreto yang lalaking yan. Pero alam namen. Ayaw lang naming sabihin muna. Magagalit si Author-nim ee. [BUTI ALAM MO~] Author-nim naman ee~ [ANO? Ituloy mo na yung kinukwento mo~] Sabi mo ee. Anu bayan. Nasaan na ba tayo? Ahh~ Oo. Madaming sikreto ni Tao. Syempre kami din madaming sikreto. Lahat naman tayo di ba? Pero yung sikreto namin, alam ng isa saamin at tinatago lang namin. Secrets nga di ba?
"BAT KA NANDITO HA?!" Sabi ni Cess. Woah~ Ang tapang ah. Wait, tama ba narinig ko? Sinigawan niya si Tao?!
"BAKET HA?! BAWAL BA MAGARAL DITO?!" Wow. Ngayon ko lang nakitang sumigaw si Tao ah. Seryoso? Si Tao ba itong lalaking nasa harapan ko? Pumunta kasi ako para may makita at mas marinig ko. I can smell war~
"OO! BAWAL ANG TANGA, HINDI GENTLEMAN AT PANGIT DITO!" Sabi naman ni Cess. Huh? Anung connect nun? School ito di ba? Bat bawal yung hindi gentleman? Nakainom ba si Cess?
"TALAGA LANG AH? BAWAL ANG TANGA, HINDI GENTLEMAN AT HIGIT SA LAHAT, HINDI AKO PANGET! AYUN YUNG PANGET OH!" Sigaw naman ni Tao pabalik kay Cess. Anu ba naman yan. Pumapatol na sa babae si Tao? Hindi ko pa naman siya nakitang naging ganito ah? Himala talaga. Hulaan nito sinung tinuro ni Tao. Alam niyo ba na tinuro niya yung lalaking madaming kung ano ano sa mukha at kulay red ang buhok? Hala~
"ANUNG SABI MO?! SINUNG PANGIT AH?!" Lumapit ang lalaki kay Tao at kinwelyuhan ito. Walang emosyon sa mukha ni Tao. Pokerface lang siya. Sigurado namang panalo si Tao diyan ee. Syempre W-wushu Master siya di ba? Di ba Author-nim? [..........] Silence means Yes.
"OO. BAKET?!" Sagot nama ni Tao. Aba aba. Hahahaha. Gusto talaga si Tao ng gulo.. I mean away. Hahaha. Nagsmirk naman bigla yung lalaking nakakatakot. Mapapaaway ata kami dito. Nanghahamon ee.
PRINCESS'S POV
Woah. Ang tapang naman nitong gwapong tangang lalaking to. Ang tangkad kaya nung lalaki. May mga kasama siyang mga lalaki. Ganun din ang EXO. Pumunta na sina Chanyeol, Chen, Kyungsoo, at yung 7 pa sa likod ni Tao. Iisa-isahin ko ha? Yung isa, sobrang tangkad na lalaki. Kasing tangkad nung scary face. Yung isa naman mukhang babae. Ang cuteee. Yung isa mukhang inosente. Yung isa naka-eyeliner pero ang gwapo na maganda. Yung isa hot na medyo maitim pero ang tahimik lang. Yung isa ang chubby ng cheeks na kumakain ng.. SIOPAO?! Yung isa naman ayun umiinom ng bubble tea pero binitawan nung sumenyas si Kyungsoo. Bat 11 lang sila? Sabi ni Chanyeol kanina may isa pa daw silang kasama. Hindi daw kase nagaaral yung isa.
"Ano? 11 lang kayo pero lalaban kayo?! HA?!" Waaaaaaaah. Bigla akong mapatago sa likod nung Taho? Ta-oh? Ahh, oo. TAO. Sa likod ni Tao kaya naman napatingin saken si Tao at nagsmirk siya bigla. Agad naman akong umalis dun at pumunta sa pinakadulo ng room. Nakita ko na may pinagpapasahan yung mga kasama nung scary face na lalaki, hanggang sa nakarating sa katabi nung scary face.