Suho's POV
"Haaaaaaay! Antagal!" Kanina pa akong naghihintay. Aish! Asan na ba yung Karina na yun? May kailangan pa kasi kaming pagusapan. Hindi kami ni Cess. Yung mga lalaking yun. Ang daldal! Lalo na si Chen. Pano nalang kapag nalaman kaagad ni Cess? Siguro kailangan ko nang sabihin sakanya sa lalong madaling panahon. Baka kapag sa iba niya pa malaman at magtanim pa siya ng sama ng loob samin ni Papa. Dahil sa tagal kong naghihintay, bumaba na ako at sinalubong si Cess.
"Anung problema?" Tanong ni Luhan kay Cess kaya naman napatingin din ako sa tinitignan nila. Anu bang tinitignan nila dun? May multo ba o ano? Wag kayo magisip ng kung ano ano. Matapang ako.
"Yah! Kaya naman pala ang tagal mo. Anu bang problema?" Tanong ko ay Cess. Kaya naman napatingin siya bigla sakin. Nagulat? Mukha na ba akong multo?
"Hindi ako multo at wala akong ginagawang masama. Wag mo akong tignan ng ganyan." Sabi ko sakanya ng pabiro kaya naman natawa siya. Natawa siya? Dun sa walang kwentang joke? Seryoso?
"Anu ba kasing problema? Bat parang nagtagal ka ata? Kanina pa ako naghihintay sa sasakyan alam mo ba yun?" Sabi ko sakanya na walag emosyon.
"Oppa, may tao kasi kanina na parang nakatingin. Ikaw ba yun?" Tanong niya sakin at naghihintay ng sagot ko. Ganun din si Luhan.
"Hmmm. Oo. Baket? May ginagawa kayo ni Luhan no? Yieee~ Nagdadalaga na ang Prinsesa~" Pabiro ko sakanya. Mapagtripan nga itong dalagang ito. Wag kayong maingay ha! Hahaha!
"Wala kuya! Di ba Lulu?" Sabi niya kay Luhan at tinignan si Luhan. Kaya syempre sumangayon si Luhan sakanya.
"Sige Leader. Baka gabihin ka sa pagbalik dito. Bye Cess!" Sabi niya at nag eyesmile kay Cess. I smell something ha.
"Karina" Awtomatikong napatingin naman siya saken na parang biglang kinabahan.
Princess's POV
"Karina" Seryosong tawag sakin ni Oppa kaya naman napatingin ako sakanya ang kinabahan. Napakaseryoso kasi ng boses ni Oppa. Ayaw kong tinatawag niya akong Karina kase seryoso siya nun. Heeeeelp~
"Wag ka magalala. Hindi ako galit. May itatanong lang ako na seryoso." Sabi niya at biglang ngumiti. Waaaaaah! Nababaliw na po ang kuya kooo. Heeeeelp! Wala po kameng pera---joke. Mayaman pala si Oppa. Sorry na.
"A-ano y-yun O-oppa?" Waah. Natatakot akooo. Ang hwat tignan ni Oppa! Huhuhu~
"Pinopormahan ka ba ni Luhan? Ayieeeeeeeee~" Pagbibiro ni Oppa sabay tusok sa tagiliran ko. Huhuhu. Si Oppa ba 'to?
"Oppa naman ee!" Ihhhhhh! Kinikilig akooo. Enebeyeeen.
"Osige na seryoso na. Paano kung may tinatago akong sikreto sayo? Magagalit ka ba saken?" Straight to the point na tanong ni Oppa saken. Jugigo. Yan lang pala.
"Oppa naman, lahat tayo may karapatan magtago ng sikreto." Sabi ko sakanya pero parang hindi yata yun yung ibig niyang sabihin?
"Ang ibig ko sabihin Cess ay, paano kung may tinatago akong sikreto na maaapektuhan ka? Magagalit ka ba?" Ang weird ni Oppa ha? Na-overdose ba siya? Hahaha!
"Oppa, tulad ng ano? Straight to the point naman. Ayoko ng cliff hanger." Sabi ko sakanya habang tumatawa. Syempre baka nagbibiro lang siya para hindi ako nagmumukhang tanga.
"Cess, sagutin mo muna ang tanong ko." Walang emosyon na tanong ni Oppa.
"Oo. Magagalit ako. Bat ba naman kasi kailangan niyong itago saken? Lalo na kung apektado ako. Dapat sinabi niyo nalang para hindi ako nagmumukhang tanga. Pero ano nga ba naman yung Oppa? Sabihin mo na." Cold na sabi ko sakanya. Bat ba naman kasi ugh! Bat di pa niya sabihin?