Chapter 4

412 19 10
                                        

CHANYEOL'S POV

"Tara na~ Pagluluto ka ni Kyungsoo~" rinig kong sabi ni Luhan kay Cess sabay akbay dito. Anu itong nararamdaman ko? Anu bayan Chanyeol! Ngayon mo lang nakilala si Cess pero ganyan na nararamdaman mo sakanya? Aishhh!

CHEN'S POV

"Tara na~ Pagluluto ka ni Kyungsoo~" Sabi ni Luhan kay Cess. Teka nga! Bat nakaakbay si Luhan kay Cess?! Naunahan pa ako ng loko? Aish! Bat ganito iniisip ko? Nakita ko si Chanyeol na ang sama ng tingin niya kina Luhan at Cess, or shoul I say, kay Luhan. Kung nakakamatay ang tingin, siguro patay na si Luhan at nasa lamay na kami ngayon. Luhan, Luhan. Bat mo kami inunahan? 

LUHAN'S POV

Napansin ko na kanina pa nakatingin si Chanyeol kay Cess at ang ngiti? Abot hanggang sa malaki niyang tenga. Ewan ko ba. Parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Cess. Pero hindi pwede. Hindi pwedeng lumalin ang nararamdaman ko sakanya. Baka mahirapan lang siya. Pero paano kong hindi ko kinaya at nahulog na talaga ang loob ko sakanya? Haaay. Bahala na nga. Master, Im sorry kung mahulog man ako sa ordinaryong babaeng ito.

"Tara na~ Pagluluto ka ni Kyungsoo~" Sabi ko sakanya. Nakita ko na parang nagulat siya dahil bigla ko siyang inakbayan. Sinu ba naman ang hindi magugulat di ba? Inakbayan ka ng isang gwapong tulad ko. Dun ko napansin na parang nagalit si Chanyeol saken. Hindi lang si Chanyeol, pa ti Chen nakatingin. Hahaha! Natatawa ako sa reaction ng dalawang to. 

Pumunta na kame sa bahay namin, oo. Sa bahay naming 11. Sa totoo lang 12 kame pero yung isa naming kasamahan, umuuwi siya minsan sa bahay nila. Pero kami, hindi kami pwedeng umuwi sa bahay namin kasi iniwan na kami ng mga magulang namin. Wag na nga nating pagusapan yan!

"Cess! Come here. I'll show you something." Sabi ni Kris. Alam ko na kung anong ipapakita niya. Haaaay~ Nakaakbay parin ako kay Cess pero nung tinawag siya niya Kris, tinanggal ko na ang pagka-akbay ko sakanya. Kaya naman lumapit na siya kay Kris na parang excited na excited. Pag nakita mo ang ipapakita ni Kris, mapapalitan yan ng gulat. Hahaha!

"I'll show you my masterpiece!" Sabi ni Kris na parang excited. Kaya mas lalong na-excite si Cess dahil sa pinapakitang excitement ni Kris sakanya. 

"Are you ready?" Sabi ni Kris habang nakangiti at hawak na niya yung laylayan ng tela na nakatakip sa 'masterpiece' niya. Tumanga tango naman si Cess. Lumapit ako sakanila na parang hinihintay kung alin ang ipapakita ni Kris na 'masterpiece' niya. Nakita narin namin lahat ng 'masterpieceniya kaso hindi ko alam kung alin ang ipapakita niya kay Cess. 

"Tadaaaa~" Sabi ni Kris at parang proud na proud pa sa 'masterpiece' niya. Nagulat si Cess sa nakita niya pero agad naman niyang pinalitang ang reaction niya na parang na-amaze.

"Wow! Kris! Ang ganda naman ng butiki na yan." Sabi ni Cess na parang batang na-amaze. Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Cess. Butiki daw? Hahahaha! Hindi butiki yan, Cess. 

"Cess, hindi butiki yan." Sabi ni Kris kaya naman napatingin si Cess sakanya na parang nagulat at nahiya dahil sa sinabi niya na butiki pero hindi naman pala butiki yung 'masterpiece' ni Kris.

"Oh? Sorry. Akala ko kasi butiki. Hmmm. Caterpillar ba yan, Kris?" Sabi ni Cess kaya naman mas lalong nagulat si Kris sakanya. Ako naman pigil na pigil ang tawa ko. 

"Cess, snake yan." Sabi ko. Kaya naman napatingin sakin si Cess at biglang tumingin kay Kris na tango ng tango. 

"Sabi na nga ba ee! Sabi na nga ba snake yan ee~ Hahahaha! Binibiro lang kita, Kris." Sabi ni Cess pero halata naman na hindi niya binibiro si Kris. Parang ayaw lang niyang magalit si Kris, ganun? Haha. Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya tumawa ako ng tumawa kaya naman napatingin si Kris saken.

 "Hoy Luhan! Anung tawa tawa mo dyan ha?!" Sabi ni Kris saken at sinapok ako. Aww.

PRINCESS'S POV

"Tara na~ Pagluluto ka ni Kyungsoo~" Sabi sakin ni Luhan. Medyo nagulat ako nung bigla niya ako inakbayan. Syempre babae ako at gwapong lalaki siya di ba? Haha. Pero pinabayaan ko nalang. Friends narin naman kami di ba? Walang malisya. Pero bat ang gaan ng pakiramdam ko kay Luhan? Parang, parang, ay ewan! Hahaha! Pumunta kami sa bahay nila. Oo. Bahay nila. 12 daw sila pero yung isa daw minsan umuuwi sa bahay nila. Nung makarating kami sa bahay, tinawag ako bigla ni Kris. May ipapakita daw siya. 

Mukhang excited si Kris sa ipapakita niya saken kaya naman tinanggal ni Luhan ang pagkaakbay niya saken. Ipapakita daw niya ang isa sa mga masterpiece niya. Ewan ko ba. Mukha siyang excited pero si Luhan parang natatawa na ewan. Pero tinuon ko yung pansin sa masterpiece na sinasabi ni Kris. Waaaaah. Excited nako parang ang ganda talaga ng ipapakita niya. Mukhang excited din siya. 

Hinila na niya yung tela kaya medyo nagulat ako sa itsura nung 'masterpiece' niya. Hindi sa sinasabi kong panget pero. Errrr. Pangit talaga siya. Pero hindi ko sinabi sakanya na pangit siya. Baka magalit siya di ba? 

"Wow! Kris! Ang ganda naman ng butiki na yan." Sabi ko sakanya. Hindi naman siya panget ee. Parang hindi lang tamang tawagin siyang 'masterpiece'. Hahahaha! 

"Cess, hindi butiki yan." Sagot ni Kris. Halaaa~ Mali sinabi ko. Baka magalit siyaaa. Kaya nagisip na ako ng feeling ko yun yung nasa drawing niya.

"Oh? Sorry. Akala ko kasi butiki. Hmmm. Caterpillar ba yan, Kris?" Sabi ko naman. Sana naman tama na ako di ba? Pero parang nagulat ata siya lalo? Tapos si Luhan parang pigil na pigil sa tawa niya. Lumapit kasi siya kanina. 

"Cess, snake yan." Sabi naman ni Luhan. Snake pala. Wait, SNAKE?! Napatingin ako kay Luhan tapos kay Kris na tango ng tango. Hahaha! Snake pala yan? Parang hindi ata? Pero syempre hindi ko sinabi yun. 

"Sabi na nga ba ee! Sabi na nga ba snake yan ee~ Hahahaha! Binibiro lang kita, Kris." Sabi ko nalang pero bat parang natawa lalo si Luhan? Nababaliw na ba siya? Halaaa. Gwapo panaman sana siya. Sayang naman. 

 "Hoy Luhan! Anung tawa tawa mo dyan ha?!" Sabi ni Kris kay Luhan na tawa ng tawa. Nababaliw na nga si Luhan. What to do? Hahaha! Pero sinapok ni Kris si Luhan kaya naman napatigil si Luhan sa kakatawa. 

"Anu bayan Kris. Hindi ka mabiro no? Ang ganda kaya ng 'masterpiece' mo." Sabi ni Luhan pero tawa parin siya ng tawa. 

"Luhan, Kris, Cess! Kain naaaa~" Sabi ni Kyungsoo mula sa kusina. Wow~ I can smell foods~ Kaya dali dali akong pumunta sa kusina at umupo na sa unang upuan na pwede kong maupuan. Haha. Mukhang masaraap~ Kaya naman kinuha ko kaagad yung fork na nasa tabi ng plate at tinikman yung niluto ni Kyungsoo.

"WOOOOOOOOOOOOOW~" Sabi ko tapos ay nag 2-thumbs up. Tapos ay napangiti naman si Kyungsoo dahil sa inasal ko, I think? Para kasi akong bata. Pero sa tingin ko napa ngiti siya dahil nasarapan ako? Hahaha. Ewan. Pero sa tingin ko talaga dahil nasarapan ako kaya siya napangiti. Nung tinitikman ko kasi yung niluto niya parang nagpipigil siya ng hininga at naghihintay ng reaction ko. Hahaha. Nakakatawa nga siya ee. 

"Okay! Let's eat! Thanks for the food!" Sabi ko at nagsi-upuan na sila at nagsimula ng kumain. 

"Nagsimula na kayong kumain di niyo man lang ako hinintay?" Sabi ng isang familiar na boses na kakapasok lang sa bahay. Kaya naman napatingin kaming lahat kung sinu yung nagsalita.

"Hello Cess!" Sabi niya saken.

Q: Sino ang dumating mula sa pinto? Dedication sa makasagot! :) 

'MASTERPIECE' ni Kris at the Multimedia~


READ THIS ! ! !

(A/N: Hello! Give me feedbacks okay? Sorry dahil ngayon lang ako nagupdate ulit! Medyo busy ee. Hahahaha! Osyaaa. Ayan na haaaa? Sana may nagbabasa parin! Dedicated kay MireLUHAN dahil tama siyaaa~ Hahahaa! Sagutin niyo ulit yung question para ma-dedicate sainyoo~ Thanksss~ Short update. Mianhae~ :(" 

Ciara_EXO

Wolf Who Growls (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon