Kabanata 8

17.2K 296 1
                                    


Sebastian's POV

Asan na ba ang babaeng yun? Baka na pano na yun?

Bumabagabag sa isip ko ang nakita ko kanina.

France and Tanya magkasama.

Ano na naman ba ang iniisip ni France?

Nakalimutan niya ba ang ginawa niya kay Everest noon?

Flashback

"Sebastian, nakita mo si France?" Tanong ni Kean

"Hindi, sabi niya lalabas daw siya, pero babalik rin agad.. Bakit hindi mo kaya tawagan." naiirita na ako sa kanya kanina pa siya tanong nang tanong, eh pwede niya namang tawagan si France.

"Asan naman kaya yun?" Bulong niya sa sarili niya.

Eh paki ko sa kanya? Dahil kay France nawala ang atensyon ni Everest sa kin.

-10 minutes-

"France asan ka ba? Ha?! Bakit ka nandyan?! Sinong kasama mo?! Ano na naman ba ang kagaguhang ginawa mo?! Oh, sige pupunta ako diyan." Mabilis na kinuha ni Kean ang susi nang kanyang sasakyan.

Bakit nagmamadali ang isang yun?

Ano ba ang ginawa ni France?

Sundan ko kaya?

Kaya ayun sinundan ko.

Nakita ko siyang nasa isang abandonadong gusali kausap si France.

Nakarinig ako nang yabag nang mga paa tumakbo ako sa isang tagong lugar.

"Hmm, Hmm!" Nakarinig ako ingay inihilig ko ang tainga ko sa pinto.

"Wag kang maingay!! Ang ingay ingay mo! Alam mo? Kung hindi lang dahil sa 20,000 na bigay ni Boss sa amin hindi ka namin papatulan. Ang panget, panget mo!" Nakarinig ako nang munting hikbi.

"Manahimik ka!! Ang ingay ingay! Pre,bigay mo nga ang bakal na nasa tabi mo. Kailangan kong patahimikin to eh! Paano ko to gagalawin kung ang ingay ingay?" At nakarinig ako nang parang may hinahampas.

Tinulak ko ang pinto medyo kinakalawang narin kaya hindi na mahirap patumbahin. Madilim rito kaya hindi nila ako makikita kung gagawa ako nang hakbang.

Una kong nakita ang lalaki na kasing taba ni Santa at ang haba nang balbas. Ano ba naman tong tauhan ni France, hihigitan pa si Santa hindi pa naman Christmas. At ang kasama naman nito, kulang nalang nang isang ubo, mamamatay na ito, saktong hindi pa ako nakapagkape nang ilang araw.

Dahan dahan kong tinahak ang madilim na daan patungo kay Santa. Mabuti at may suot akong mask.

Tinapik ko nang mahina ang balikat niya lumingong naman ito sa akin.

"Ano?!"

Ang tanga tanga naman nang mga bantay ni France.

"May kukunin lang akong akin." Napalingon ako sa gawi nang babae na naka handusay sa sahig at wala nang malay at naliligo na ito sa sariling dugo. Shit! Si Everest ba yan?!?!?!

"Boss, wala ka namang naiwan dito ah? At hindi rin kita kilala." Tinutukan niya ako nang baril.

"Wag kang mag-alala hindi ako kalaban, napagutusan lang ako ni France na dalhin sa kanya ang babaeng ito." Nagkatinginan naman ang dalawa.

The Gangster's Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon