Kabanata 20

12.4K 214 8
                                    


PUMUNTA akong mall hindi ko alam kung bakit, pero feel kong pumunta nang mall.

Naglilibot lang ako dito, kanina pa ako at pagod na pagod, siguro tama na ang ilang minutong paglilibot ko dito sa mall. Magpapahinga nalang ako sa bahay.

Papalabas na sana ako sa mall nang may nabunggo akong babae matutumba sana ito pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"Okay ka lang miss?" Tumango ito habang nakayuko.

Pilit nitong tinatanggal ang kamay na hinahawakan ko, pero malakas ang kapit nun kaya hindi niya matatanggal yun.

"Ano bang kailangan mo?!" Pabulong na sigaw niya saakin.

"Parang pamilyar ka saakin."

Asan ko ba siya nakita?

"H-ha?! First time nga nating magkita eh!" Malakas ang pagkakabaklas nang kamay niya kaya nawala ang pagkakahawak ko dito.

"Hindi, pamilyar ka," Asan nga ba yun? Everest, Frost, Sebastian. Bar. Napahilot ako sa sintido ko nang maalala ko siya. "Ikaw! Kaibigan ka ni Everest." Tinuro ko siya at ngumisi.

Nakapamaywang naman siya. "Eh? Ano naman sa iyo?" Nakataas ang kilay nito habang nasa magkabilang baywang ang kamay niya.

"Wala, gusto ko lang makibalita." Nagkibit-balikat ako at siya naman tiningnan lang ako.

"Alam mo?! Ikaw! Ikaw ang may dahilan kung bakit ngayon umiiyak at malungkot si Everest!! Siguro nga nagsinungaling siya sa inyo! Pero pinakinggan niyo ba ang paliwanag niya!! Hin--"

"Wag kang magsalita as if alam mo kung ano ang nararamdaman ko, kasi wala kang alam, kaya manahimik ka, dahil wala kang alam! Wa---"

"Bakit narinig mo na ba ang side niya? Diba hindi?!" Dinuduro niya ang dibdib ko. "Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan?! Bakit siya ba, hindi nasasaktan? Sa lahat, sa ginawa niyang desisyon?! Ha?! Sa araw araw na pagtrato niya sa inyo, hindi siya nasasaktan?! Sa nalalabing 2 araw niya di----"

Natigilan ako sa sinabi niya, at masamang tiningnan siya.

"Wag kang magbiro nang ganyan, hindi nakakatuwa." Seryoso akong nakatingin sa kanya.

Tumulo ang luha nito at ngumiti nang tipid.

"Sana nga! Dana nga nagbibiro lang ako, sana nga at hindi ito totoo, pero eto ako ngayon sa harapan mo ngayon umiiyak, dahil lang sa kalagayan ni Everest." Pinunasan nito ang mga luha sa mata.

Hindi... hindi ito maaari! Hindi siya mamamatay.

"Sana nga nagbibiro lang ako kung sabihin kong nakaratay ngayon si Everest sa kama nang hospital. Pero hindi eh! Sa sitwasyon ngayon. Hindi ko magawang magbiro." At tumakbo ito palayo saakin.

Sana nga, sana nga. Nagbibiro lang siya. Pero nararamdaman kong totoo ito kaya. Hindi ko magawang gumalaw man lang.

Bakit dito pa?! Bakit dito ko pa maramdaman to?! Sa dinami raming lugar ba't dito ko pa malalaman, sa isang mataong lugar.

Dito ko pa naramdaman ang lahat nang sakit na hindi ko pa naramdaman ngayon, sumikip bigla ang dibdib ko at hinihingal na akong nakaabot sa parking lot nang mall.

Noo, wag ka muna mamatay, hindi ko iyon kakayanin, dahil ngayon pa lang sasabihin ko nang MAHAL NA MAHAL KITA EVEREST!

Oo at ngayon lang nag sisink in sa utak ko na mahal na mahal kita.

Noon ko pa ito nararamdaman nung nawala ka, pero binalewala ko ito baka sa pagkasabik na makita kang muli.

Pero ngayon, iba na.

Ang pagkamatay mo ay ang pagkamatay ko rin.

Mahal ko pa ang buhay ko kaya wag ka munang mamatay.

KASI IKAW ANG BUHAY KO.

The Gangster's Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon