Kabanata 12

14.8K 242 4
                                    


Sebastian's POV

Noo, hindi siya pwedeng mamatay. Hindi. Mamahalin ko pa siya, mamahalin niya pa ako.

Hinahawakan ko ang kamay niya habang nasa ambulansya kami ngayon. Puno na nang dugo ang damit ko at pati narin ang kamay ko, pero wala akong pake.

Pagdating namin sa Hospital, dinala siya sa Emergency room, at pumasok doon ang papa ni Everest.

Oo papa niya, doktor ang papa niya at siya parati ang doktor ni Everest.

Alam ko ang nangyari sa kanya, hindi na siya pinapansin nang buong gang, si Tanya na ang Gangster Princess at ang pakikipag break ni France kay Everest.

Masakit yun kay Everest, kaya kung sa akin lang, ilalayo ko siya rito.

May lumapit saaking nurse.

"Sir paki fill up nalang po ito." May binigay itong papel saakin.

Pangalan? Sana tama lang itong gagawin ko.

Finill-upan ko iyon, napangiti ako sa inilagay ko.

Sannah Chen.

Yan. Yan ang totoong pangalan niya kaya may karapatan siyang gamitin iyan.

Matapos ang ilang oras, lumabas ang papa ni Everest at mukhang pagod, ngumiti lang ito saakin.

"Mabuti at na dala mo siya rito nang maaga, kundi maraming dugo ang nawala sa kanya." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Pero, hindi ko alam kung makakaalala pa siya, may posibilidad na hindi niya na tayo maalala." Malungkot na balita nito.

H-hindi n-na?

"Pero Tito, okay lang naman siya diba?" Nagaalala kong tanong

Ngumiti ito,"okay lang siya Hijo kailangan niya lang magpahinga, at hindi dapat siya ma stress." Tinapik nito ang balikat ko

Napahinga nalang ako nang malalim.

Lumapit ang nurse na nagbigay nang papel sa akin kanina.

"Sir nasa Room 405 po si Ms. Chen, okay na po ang girlfriend niyo. Wag na po kayong magalala." At nagpaalam na aalis na.

Girlfriend? Bakit ang ganda pakinggan?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Frost's POV

Kanina pa siya umalis sa school ah? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?

Alam kong kanina masama ang pakikitungo ko sa kanya.

Kaya ngayon nagsisisi na ako, at ito ako nagaalala na sa kanya.

Tinawagan ko si France, nang sagutin niya ito, tahimik muna sandali at nagsalita na ito.

"Hello." Baritonong boses nito ang sumalubong sa tenga ko.

"Hello France? Nakita mo ba si Everest?" Alam kong alam niya ito sinundan niya ito kanina eh.

"Huh? Hindi pa ba umuwi diyan?" Nagtatakang tanong nito.

The Gangster's Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon