PUMASOK ako sa kwarto niya at nakita ko siyang mahimbing ang tulog."Everest, bakit hindi mo agad sinabi saamin ang sakit mo? Alam mo bang miss na miss na kita? Kaming lahat ang nakamiss sayo, sorry nga pala sa ginawa ko sayo, namin. Hindi naman namin sinadya ang aming sinabi. Talagang hindi lang namin alam kung ano ang magiging reaksyon sa pagsisinungaling mo." Tiningnan ko ang mukha niya.
Ang labi niyang dati ay mapula ngayon ay maputla, ang katawan niyang malusog dati ngayon ay pumayat ito at marami ring aparatus na naka kabit sa kanya.
Nanghihina ako habang tiningnan siya. Ang dating Everest na nakilala ko ay malayo sa Everest na nakahilata ngayon sa harapan ko.
This is not your home Eve. So please wake up.
NAKITA ko siya sa loob nang kwarto ni Everest hawak hawak niya ang kamay nito.
Pumasok ako at napabaling naman siya saakin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Frost mabuti at dinalaw mo si Everest." Hinawakan ko ang balikat niya.
"Oo nga, naging busy kasi ako sa opisina." Napakamot ito nang ulo.
"Hm! Ngayon mo lang din ba nalaman na ganito ang kalagayan ni Everest?" Biglaang tanong ko sa kanya.
"Hindi last week ko pa nalaman, pero may ginawa pa ako." Tumango lamang ako at may binigay sa kanya.
"Ano ito?" Tanong nito nang tinitingnan ang isang sulat.
"Basahin mo, isa isa tayong may ganyan, baka nga nasa plano niya ang humiga dito." Iniwan ko siya doon nang tumunog ang telepono ko.
'Kung binabasa mo to siguro nga nakahiga na ako ngayon sa hospital bed, hindi ko man nasabi sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat sa mga alaalang iniwan niyo sa akin, lalo na ikaw na malaki ang parte mo sa buhay ko, naging kambal kita, naging gangmate at hindi nag iba ang turing mo saakin kahit na alam mong pinsan mo lang ako hindi mo parin pinadama saakin na pinsan mo lang ako. Nung una kong minulat ang mata ko noong nasa Japan ako inisip kita, kayo. Kung ano ang magiging reaksyon niyo sa gagawin ko, alam ko na non na mag sakit ako pero hindi ko sinabi sa inyo, ayaw ko kayong mahirapan kaya kung ano ang problema ko ay akin lang.
Frost, ang gusto ko lang sabihin ay mahal na mahal na mahal na mahal ko kayong lahat, siguro ito nga ang itinadhanang mangyari saatin.
Saakin, masakit man saakin ang ginawa niyo pero tinanggap ko iyon para lang makasama ko kayo pero hindi iyon nangyari.. pagpadensyahan mo na kung ganito ako magsulat.
Hindi pa ito ang huli wag kang panghinaan nang loob, kahit naman wala ako sa physically sa tabi mo pero emotionally nasa tabi mo ako, well sa puso mo.
Siguro nga hindi ako itinadhanang mabuhay kasama kayo nang masaya..
Tumulo ang luha ko pinupunasan ko ito pero mas lalong dumadami.
Hinayaan ko lang ito.
Hindi pa ito ang huli, simula pa lang ito.