[ 37 ] Distance

5.1K 269 25
                                    

Ang mga sumunod na araw ay hindi naging madali sa kanilang dalawa. Tila lumayo na ang loob ni Jade sa kaniyang asawa na si Althea, dala ng pagkawala ng kanilang anak.

Althea Guevarra's Pov

Dito na ako nagpalipas ng gabi kila Batchi. Ayokong umuwi sa mansion lalo na't hindi ko kasama si Jade, ayaw rin nman akong pabayaan ni Batchi na mag isa dahil baka may gawin daw akong kalokohan. But she's right, kailangan ko ng makakausap at karamay sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung makakaya ko pa ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Una nawalan nanaman ako ng anak. Ni hindi ko man lang siya nabuhat at nahawakan ng aking mga kamay, hindi ko man lang nakita ang kaniyang unang pag iyak, ang pagngiti, kung paano siya humingi ng gatas sa kaniyang ina. Ikalawa, si Jade. Galit sakin ang asawa ko ngayon, i don't know what to do. Siguro nga wala akong karapatang maging masaya.

"Tsong, coffee" iniabot sakin ni batchi. Narito ko sa guest room, nakaupo at mukhang bangag, hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Wala akong gana tsong" matamlay kong sabi. Tumabi sakin si Batchi, sa mga sandaling ganito ang itsura ko. Magpapatawa agad siya o mang aasar. Pero ngayon maging siya ay malungkot, dahil sa sitwasyon na nangyari samin.

"Tsong kagabi ka pa hindi kumakain. Talagang manghihina ka niyan." Payo niya.

" let it be, baka sakaling makasama ko na ying mga anak ko" pumatak nanaman ang mga luhang naglalandas sa aking mata. Ang maalala ko ang mga anak ko ay lubhang masakit sa aking kalooban.

"Tsong wag naman ganyan, may naghihintay pa sayong si Jade. Baka lalong magalit sayo yun sige ka" tumingin ako sa kaniya, tama siya . May Jade pa ako. Ngunit pano kami mag kaka-ayos? Ni ayaw niya akong makita.

"Jade" bulong ko. Namimiss ko na ang asawa ko.

"Nagtext si Cathleen. After lunch makakalabas na si Jade sa ospital. Kaya kumain kana muna ng kagit konti para pag punta natin mukha ka paring tao" biro niya sakin at sinunod ko naman ang sinabi niya.

Before 12 noon nagpunta na kami ng hospital, naabutan namin sa nurse station si Cathleen.

"Cath, kumusta si Jade?" Tanong ko sa kaniya.

"Althea, medyo hindi pa rin makausap ng maayos si Jade, kahit ang mama niya hindi niya gaanong pinapansin." Malungkot na sabi ni Cathleen samin.

"Bakit nagbabayad ka? Inayos ko na ang mga bills dito" tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ang perang hawak niya at iniabot sakin.

"Althea, pinababalik to ni Jade sayo, alam niyang ikaw ang gagastos ng pagka ospital niya at ayaw niyang magka utang ng loob daw sayo. Ayaw niya ng kahit na ano na mula sayo, yun ang sabi niya samin" malungkot na sabi ni Cath. Galit talaga sakin si Jade.

"G-ganon ba? P-pwede ko ba siyang makita? Kahit saglit lang.?" Halos pabulong kong sabi.

"Sige tutulungan kita" ngumiti sakin si Cathleen.

"Salamat Cath" agad na kaming nagtungo sa room ni Jade, naabutan kong inaayos ni Mama Amanda ang mga gamit ni Jade, wala na rin siyang swero. Naka sunday dress lang siya pero mahahalata mo ang pamamaga ng mata niya dahil sa pag iyak. But still maganda pa rin siya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Agad na nanlisik ang mata niya ng makita niya ako.

"Jade" kalmado kong tawag.

"Di ba sabi ko wag ka ng magpapakita sakin?!" Sigaw niya sakin.

"Anak huminahon ka" hinawakan siya ni Mama Amanda sa braso.

"No Ma, ayokong makita ang pagmumukha ng isang yan!" Kulang nalang isumpa ako ni Jade. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap niya.

"Jade, kumalma ka, pauwi na tayo" sabi ni Cathleen sa asawa ko. Dahan dahang tumayo si Jade. Kinuha ko naman ang gamit kay Mama Amanda.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon