Scarlett's POV
Nasa Cafeteria ako ngayon kasama sila Nicole and the twins (Alexa & Alexis), at bumibili ng pagkain. Classmate ko sila dati nung Grade 8. Badtrip nga eh. Di kami naging magkaka-klase ngayon.
Nung Grade 8, di kami dito kumakain sa Cafeteria kasi medyo madaming tao. Sabay-sabay kasi ang lunch ng Secondary eh. Magkakahiwalay ang Cafeteria ng Primary, Secondary and ng College.
Usually sa bench sa may Quadrangle kami kumakain o kaya sa labas ng classroom namin. Pero hindi na kasi magkaka-klase kaya sa bench na lang sa Quadrangle kami kakain.
~~
Pagkatapos namin mag-lunch pumunta na ako sa room. Naabutan ko sa labas ng room ang Team Certified. Kulang nanaman. Kelan kaya kami makukumpleto?
Kilala kami sa Campus, pero hindi ko alam kung bakit. Kapag sabay-sabay kaming papasok, may biglang tatawag samin tapos magha- hi. Nakakagulat nga eh. Tapos kapag maglalakad kami ng magkakasama, tatabi sila. Para silang mga takot samin. Pero yung iba sa kanila sabi mabait naman daw kami. Hahahaha. Mabait naman ako ah.
3 months pa lang ang dumaan pero, naging magkakaibigan kami agad. Ewan ko rin pero bakit ang bilis namin nakilala sa school. Tsk. Ang hirap talaga ng maganda. Hahahaha. ✌
Sa Team Certified, ako yung kilalang Certified Perfect. Mayaman daw ako, maganda, matalino, tapos mabait pa. Hindi ko alam kung maniniwala ako kasi yung iba sa kanila nakikipag- plastikan, para sumikat eh.
"Oh? Scarlett, ang bilis niyo naman mag-lunch?" Sabi ni Riley. Si Riley Gail Ocampo, ang kilalang Certified Carefree sa amin.
"May gagawin pa kasi sila." I explained. Hindi kasi ako sumasabay sa kanila kapag lunch eh. Sanay naman na sila dun.
"Scarlett, bukas na daw yung simula ng try-outs para sa mga sports. Kailangan ka daw dun pinapasabi ng coach mo." Shane Rose Agustin. Siya ang Certified Athletic sa amin. Kasi mahilig siya sa sports. Varsity siya ng Volleyball at Taekwondo simula Grade 7. Ako naman Varsity ng Swimming simula elementary.
"Ahhh. Okay. Anong oras daw?"
"Nasa bulletin board ah. Di mo nakita? May klase kaya excuse daw tayo bukas."
"Di pa ako nakakadaan sa bulletin board eh. Sige, sabay na lang tayo pumunta ah?"
"Okay."
"Scarlett, nagawa mo na yung homework sa Math?" Tanong naman ni Chloe. Chloe Mackenzie Torres. Ang Certified Genius. Top 1 ng klase simula Elementary. Di kami magkakaklase dati kasi transferee siya.
"Hmmm." Then I nodded. "Ikaw?"
"Hindi pa nga eh." Si Chloe kasi matalino pero kapag Math, di mo talaga siya mapapagawa. Hahahaha
"Gawin mo na. Malapit na matapos ang lunch."
"Okay." Tapos umalis na siya at pumasok sa room.
"Sophia, ikaw, meron ka nang gawa?"
"Meron na. -___-" Sagot niya, with her infamous straight face. Hahahahaha. Minsan mo lang talaga mapapatawa itong babaeng to eh.
Sophia Abigail Reyes, known as Certified Serious. Siya yung sa aming lahat, ayaw ng nale-late. Siya ang laging may complete attendace.
Napansin ko na wala si Faith. Kathleen Faith Rivera. Siguro may kasama nanaman na ka-fling yun. Aish. Sa buong Team Certified kasi siya ang Certified Player, kasi naman, ang dami niyang naging boyf-- ay flirt lang pala yun sabi niya. Minsan kasi may naghahatid sa kanya dito sa room na lalaki, tapos sa ibang araw ibang lalaki ulit. Talanders. Hahahaha. Sorry for the word.
Si Reigne naman, Nathalie Reigne Garcia, absent nanaman. Lagi naman siyang absent eh. Di na ako magtataka. Kelan lang namin sila sinama sa group ni Sophia. Siya ang Certified Adviser, kasi siya palagi ang may payo kapag may problema kami.
Ang Team Certified ang nakakasama ko sa araw-araw. Iba sila sa mga naging kaibigan ko dati. Sa kanila ko naramdaman na mahalaga at masaya ako. Yung mga kaibigan ko kasi dati puro aral. Hindi kami pumupunta ng mall, hindi kami nagba-bonding sa bahay ng isa saamin.
~~
YOU ARE READING
The One Who Stole My Heart
Short StoryDo you ever wish to be that person's special someone? Or to be just his friend? Yung tipong kahit kaibigan lang talaga. Yung kaibigan na nag- uusap, nagtatawanan. Just what normal friends do. Kahit wala nang something sa inyong dalawa. Basta may l...