Pinag laruan

17 2 0
                                    

Kuwento ng bayaw ng aking guro.

Ang kanilang bakuran ay na papaligiran ng mga puno at bago ka makapunta sa CR ay dadaan ka muna doon.

Malapit lang naman talaga ang CR mula sa bahay kaya ayos lang naman sana ito.

Nung naiihi na yung bayaw ng guro ko ay nag lakad na siya patungo sa CR at katulad nga ng alam na niyo ay umihi siya. Pero ang hindi malaman na dahilan ay pag kalabas niya ay isang masukal na gubat ang matatagpuan.

Nag lakad siya pero walang siyang nararating at sa pag lakad niya ay may kung ano na humahapas sakanya. Hindi malaman kung ano ito dahil sa tuwing lilingunin niya ito ay wala siyang nakikita.

Sinubukan din niyang tumakbo pero wala rin itong na gawa. Sugat-sugat na siya dahil sa pag hahampas ng isang bagay o ano pa man. May na ririnig din siyang mga tawang sa mga humahampas.

Sinubukan din niya gantihan pero wala siyang mahampas-hampas. Kaya na upo na lang siya sa kapaguran. Maya-maya ay nag lakad ulit ito upang mag hanap ng lalabasan.

Biglang na alala niya ang sinabi ng matatanda na kung nawawala daw o pinag lalaruan ay baliktarin lang daw ang kanyang damit.

Agad naman niyang binaliktad ang kanyang suot na damit upang makalabas na.

Laking gulat niya na hindi siya lumayo sa CR na tabi lang naman ng kanilang bahay. Tinignan niya ang mga sugat pero wala naman siyang nakita. Agad siyang bumalik sa bahay at kinuwento ang nangyari sa kanya.

The True Story Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon