Panaginip

20 2 0
                                    

Na dito ako sa apartment sa sampalok Manila kasama ang pinsan kong si Rod or Digs.

Nag aaral kami sa feu kaya nan dito kami, wala yung mga ate ko kaya kaming dalawa lang naiwan dito.

Natulog na kami ng maaga dahil may pasok pa bukas.

Sa panaginip ko nasa school ako at nag lalakad kasama ang mga kaibigan ko ng mapadaan sa tindahan ng mga damit sa school. Papalabas na sana ako ng mapatingn ako sa lalagyanan ng mga id.

Sa una puno ito ng id ng biglang napalitan ng mga picture sa ipad ko.

Habang tumatagal ay biglang lumalabas ang picture ng lolo ko na wala naman sa ipad ko...

Lalo akong natakot ng biglang nawala ang ilaw sa tindahan ng damit sa school at napalitan ito ng hospital...

Maya-maya ay may lumalapit na babae na parang galing sa horror movie.

Pilit kong iniiba ito pero napapalitan lang ang hospital at school...

Pilit na bumabalik sa hospital kung na saan ako....

Pilit ko naman siyang ginagawang school kung saan ako bilihan ng damit.

Hangang sa sobrang takot ko ay nagising ako na hindi makapag salita o makakilos. Sobra ang ginagawa kong sigaw kahit walang boses na lumalabas para gumising yung pinsan ko

"Digs gising!!" Sigaw ko pero wala talagang lumalabas.

Sinimulan kong pilit na ginagalaw ang kamay ko para abutin siya.

Sa pa ulit-ulit na sigaw ko ay may kakaunti na lumalabas na boses.

"Digs gising!" Sigaw ko pero mahinang boses ang lumabas. Sa pilit kong ginagalaw ang kamay mo para abutin siya ay nag bunga naman.

"Ano ba" sabi ng pinsan ko

"Digs gising!" Sabi ko naman kahit nakatalikod siya... Hangang tuluyan ko ng magalaw ang kamay ko kaya lking tuwa ko at unting -unting bumalik ang boses ko kahit walang tulong ng walang paki kong pinsan ... Dahil doon ay natulog ulit ako na nakaharap sa pinsan ko.... 

Nag isip ako ng magandang panaginip at hindi binalikan ang huli kong panaginip.....kaso biglang

"Uy gising ka na ba?" Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na nakaharap ako sa pader at hindi sa pinsan ko.

"Bakit" tanong ko.

"Kasi kanina hindi ako makagalaw kaya ginising kita"

"Ha? Ikaw din?" Sabi ko kasi nga ako rin pero feeling ko nagising ako pero parang na gising lang ako sa panaginip ng panaginip ko.

"Tukol saan sayo"

"Tukol kay lolo ng biglang may babaeng...." Sinabi ko yung panaginip ko

"Sakin naman kay ninang tapos...."

"As in ako pala ata na unang hindi makagalaw tapos na pasa sayo?..."

"...."

"Uy 3am na pala diba dito daw labasan ng mga masasamang elemento " sabi ko at alam ko na marami rin naniniwala sa 12 am daw ang labasan ng masasamang elemento pero 3 daw talaga.

"Oo" sagot niya

"Natatandaan mo yung sinabi ni ate jo dito.... Yung sa madre?"sabi ko na lalong ikinabahala namin.

"Tara tulog na tayo...."

"Uy." Sabi ko

"May na alala rin ako pero bukas na lang...." Sabi niya na mukang ayaw ng dagdagan yung nasaisip namin ...

"Nakatulog na kasi ako kanina bakit kasi ginising pa" sabi ko dahil nga natatakot na rin ako...

Nag dasal ako bago muling natulog.

Nung nagising kami noong wenesday ay nag kuwentuhan kami sa nangyari kagabi dahil tanghali pa naman yung pasok namin.

Panaginip lang nga ba o may halong masamang elemento?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The True Story Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon